John Lloyd Cruz almost quit showbiz!

ADVERTISING

John Lloyd Cruz almost quit showbiz!

John Lloyd Cruz almost quit showbiz!MALAMANG NA HINDI malilimutan ni John Lloyd Cruz ang buwan ng Abril ngayong taon dahil sa mga kaganapan sa kanyang personal at propesyonal na buhay. Una, Lloydie and girlfriend Shaina Magdayao will be celebrating their first anniversary this month. Kumusta na ba sila ni Shaina? “Okay naman… Kung may libreng panahon, may libreng oras, we enjoy doing normal things like normal couple would do. Manood ng sine, maghanap ng mga bagong restaurants,” kuwento niya kay KC Concepcion nang magkaroon siya ng one-on-one interview sa The Buzz. Kamakailan lang ay magkasama raw sila ni Shaina at ng kanyang pamilya sa Tagaytay.

Pangalawa, malapit nang magtapos ang kanyang top-rating primetime fantaserye na Imortal na walang sawa pa ring tinututukan ng buong sambayanan. Imortal is his first fantaserye at una nilang pagtatambal ni Angel Locsin. Kilala si Lloydie sa husay niya sa drama so what made him decide to do the series kung saan kailangan niyang gumawa ng mga action scenes? “Hindi naman p’wedeng ‘yun at ‘yun lang ang ginagawa natin. Siguro in a way gusto ko rin. It’s a way of giving back to my audience.” Memorable raw ang kanyang role dito sa series bilang si Mateo Rodriguez. “Ngayon lang ako nag-leather jacket sa Maynila.”

Ano ang mga dapat pang abangan sa nalalapit na pagwawakas ng Imortal? “Every week magkakaroon ng revelation at iyong mga totoong kulay ng characters lalabas na sa papalapit na pagwawakas ng Imortal kaya kapit lang kayo. Huwag kayong bibitiw.”

Lloydie is a brilliant actor. And whether he agrees or not, he’s on top of his game! Pero alam ba ninyo that he almost quit showbiz when he was young? “Siguro 20, 22 [years old] ganyan. Iyon iyong medyo kalat-kalat ang mga priorities ko. Parang ‘di ko alam… I wanted to explore different options na p’wede kong pasukin. Parang you’re looking for a higher purpose.’’ Buti na lang at hindi niya iniwan ang showbiz dahil kapag nagkataon ay isa siyang malaking kawalan sa industriya.

ADVERTISING

So nahanap na ba niya ngayon kung sino si John Lloyd? “Nahanap ko siguro sa aspeto na iyong John Lloyd na naging part ng industriyang ito. Mas comfortable na ako na ipakita or hindi na ako natatakot na makita ng audience ko or ng tao kung ano ba ako talaga.”

Pero sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career, hindi naman niya kinaliligtaan ang kanyang pamilya. “Ako naman everyday before I go to sleep, I’m wishing sana naibibigay ko iyong kailangan kong ibigay sa pamilya ko, sa mga mahal ko sa buhay.” Kahit abala siya ngayon sa kanyang career, number one priority pa rin niya ang paglalaan ng oras sa kanyang pamilya. “Kahit sinong makausap mo ngayon na malapit sa akin alam nila kung ano ang value ng time sa akin ngayon. Kung gaano kaimportante sa akin ang oras ko, because I have a family to attend to,” sabi niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING