John Lloyd Cruz, ‘di nasilaw sa P1-M kada taping na offer ng TV5

HINDI NASILAW SI John Lloyd Cruz sa sinasabing P1-M per taping day na talent fee na offer daw ng TV5.

Muling pumirma si John Lloyd ng kontrata sa ABS-CBN, pagpapatunay na mananatili siyang Kapamilya.

Natsismis na sa sobrang kagustuhan ng TV5 na makuha ang talent fee ng binata ay binigyan nila ito ng tempting offer – isang milyong piso kada taping. Napaisip nga raw nang husto ang kampo ni Lloydie dahil sa laki ng offer.

KINABOG NI ERICH Gonzales si Sarah Geronimo dahil ang dalaga ang napili para maging leading lady ng Thai superstar na si Mario Maurer.

Magkakasama sina Erich at Mario sa isang movie na iso-shoot sa Thailand at sa Manila.

Kaya lang, mas marami ang pabor na si Sarah ang maging leading lady ni Mario. Mas may box-office appeal daw kasi si Sarah kaysa kay Erich. ‘Yan ang reaction ng ilang fans which to us is very true.

CHRISTIAN BAUTISTA WANTS to keep his romantic life private.

“Sa ngayon po ay wala akong girlfriend. Right now I’m dating people pero I keep it a secret, ‘di ko binubulgar. Malalaman n’yong lahat kung meron na. I date pero hindi ko sinasabi. Ayaw kong sabihin,” tsika ni Christian.

Nadala na raw siya sa nangyari sa kanila ni Rachelle Ann Go na maraming mata ang nakatingin kapag sila ay nagde-date.

“After that, naisip ko, nag-decide na akong private na ‘yung aking romantic life.”

“We’re friends,” sabi niya patungkol kay Rachelle. I’m gonna watch her in The Little Mermaid.”

May international album si Christian pero hindi kami na-impress kahit pa nagsayaw siya rito. You call that dancing, Gian?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleSa dami ng kadikit na nega issues Albie Casiño, malabo nang malinis pa ang pangalan
Next articleIkinasal sa kasal na

No posts to display