John Lloyd at Shaina Magdayao, magkasama sa iisang kuwarto ng hotel sa Boracay?!

ADVERTISING

John Lloyd at Shaina Magdayao,  magkasama sa iisang kuwarto ng hotel sa Boracay?!John Lloyd at Shaina Magdayao,  magkasama sa iisang kuwarto ng hotel sa Boracay?!MAY MGA TSIKANG nakarating sa akin galing Boracay dahil nagtambakan du’n ang halos lahat na mga Kapamilya stars dahil sa ASAP xv. Pero ang mas pinag-usapan itong tungkol kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na magkasabay nga raw na umalis pa-Boracay.

Basta reliable ang nagkuwento sa akin na maaga nga silang dumating doon at magkasama silang nag-check-in sa Shangri-La Boracay.

Nu’ng mag-check-in daw sila ro’n, mahigpit daw ang bilin na walang phone calls, walang picture taking kahit sa mga staff doon at walang tatanggapin na mga taong gustong dumalaw dahil wala naman daw silang inaasahang bisita.

Pero ang nakakaloka, ang honeymoon suite daw ang kinuha nila at isang kuwarto lang ito. Siyempre, ibig sabihin magkasama sila sa iisang kuwarto na ang drama ay nauna pa ang honeymoon sa kasal?

Kaya nu’ng hinarang si John Lloyd ng reporters para interbyuhin tungkol sa kanila ni Shaina, talagang super-iwas daw ito at diniretsa nga raw si Gretchen Fullido na ayaw raw niyang maging rude, pero hindi talaga siya magpapa-interview.

ADVERTISING

Naku, huh! Ang dami ko pa namang nasagap tungkol kay John Lloyd kaya ganu’n na lang pala ang iwas nito sa mga interview.

Ah basta! Sa dami ng Kapamilya stars na nagrampahan sa ASAP xv nu’ng nakaraang Linggo, iisa lang ang narinig kong outstanding pa rin ang ganda – si Anne Curtis!

Ang sexy nga raw niya roon at walang makakatalo sa kanya kahit may John Lloyd pa si Shaina. ‘Yun na!

Naku! Congratulations pala sa anak-anakan kong si Jobert Sucaldito at siyempre si Mama Fely dela Cruz dahil sa bongga ang opening ng nakuha nilang franchise ng Mang Inasal sa may West Avenue.

Nu’ng kamakalawa lang ito pormal na binuksan at star-studded ito dahil siyempre suportado si Jobert ng mga kaibigan sa showbiz.

Nagka-trapik-trapik pa sa may West Avenue dahil nag-show talaga sila sa may tabi ng kalye.

Ang isa sa dumating doon ay si Katrina Halili na medyo emotional nu’ng in-interview doon ng Startalk.

Abangan n’yo ‘yan sa Sabado, dahil hindi nito napigilang umiyak nang napag-usapan ang tungkol sa pagbebenta na raw nito ng ibang ari-arian dahil sa mga nagagastos niya sa kaso nito laban kay Hayden Kho.

Nilinaw ni Katrina ang isyung iyan dahil hindi naman daw siya naubusan ng datung sa kasong ‘yun, kundi ang laki raw ng nagastos niya nu’ng magkasakit ang Mama niya at inoperahan ito. Pati ang lola niya na namatay na kamakailan lang ay pinaopera rin daw niya ito noon, kaya halos maubos na ang datung niya at balak na nga raw sana niyang ibenta ang bahay niya at pati ang share niya sa Barrakz.

Pero mabuti na lang, may mga kaibigan pa raw siyang tumulong sa kanya kaya hindi na ito umabot sa pagbebenta ng  bahay.

Hindi naman daw masasabing naghirap na siya talaga pero aminado itong halos maubos na ang inipon niya dahil halos anim na buwan din daw siyang nawalan ng trabaho at meron siyang gastos sa araw-araw. Kaya talagang nahirapan din siya. Pero okay na raw siya ngayon at malaki ang pasasalamat nito sa taong tumulong sa kanya at hindi siya pinabayaang maghirap.

Marami pang madamdaming pahayag si Katrina tungkol diyan. Kaya lang hindi na nito nakayanan dahil nag-iiyak na ito nang nakapanayam ng Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING