John Lapus, tanggap nang pang-horror lang ang beauty

ADVERTISING

John Lapus, tanggap nang pang-horror lang ang beauty

John-LapusPatok na patok talaga sa mga horror movies si John “Sweet” Lapus. IIang Shake Rattle and Roll na ang nagawa niya before sa Regal Films, kaya nu’ng kunin siya ng Quantum Films para sa Buy Now, Die Later, hindi na raw siya umarte pa.

“Tanggap ko naman na pang-horror movies lang talaga ang beauty ko kaya hindi na ako umarte pa. Go agad ako, tinanggap ko agad ang project,” kuwento ni Sweet.

Ipinagmalaki rin ng TV host-comedian na hindi siya palamuti lang sa Buy Now, Die Later. “Uy, bida rin ako sa pelikula. Mahaba ang role ko. Pare-pareho lang kami nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at ng iba pang cast,” pagmamalaki pa niya.

Samantala, nasa cast din ng pelikula ang mag-inang Janine Gutierrez at Lotlot de Leon. May mga eksena si Janine na kailangan niyang gayahin ang nanay niya at aminado ang dalaga na nahirapan siya.

ADVERTISING

“Mahirap gayahin si mommy kaya ang ginagawa ko, pinanonood ko muna ‘yung ginagawa niya para may idea ako,” kuwento pa niya.

Kasam rin nga pala sa pelikula sina TJ Trinidad at Rayver Cruz. Produce ang pelikula ng Quantum Films na meron pang isang entry sa MMFF, ang Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING