John Estrada, p’wede nang tumanggap ng project sa ibang network

John Estrada, p’wede nang tumanggap ng project sa ibang network

John-EstradaMAY SERYE rin si John Estrada sa ABS-CBN 2 na may titulong Walang Iwanan kasama ang dalawang batang actor na nagbida na sa serye. At take note, katambal niya si Beauty Gonzales.

Ito ang pinagkakabalahan ngayon ng mahusay na aktor.

At napag-alaman namin na last June 1 pala nagtapos ang kanyang kontrata. Ibig sabihin ngayon ay freelancer na siya ngayon. At hindi na tayo mabibigla kung tumanggap na sa ibang TV network si John.

At balita nga nga namin ay dagsa na ang offer sa kanya. Well…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!