John Estrada at Priscilla Meirelles, sinusubok ang pagsasama

ADVERTISING

John Estrada at Priscilla Meirelles, sinusubok ang pagsasama

John-Estrada-Priscilla-MeirellesMAY MGA kumakalat na balitang tila hindi maganda ang takbo ng pagsasama ngayon nina John Estrada at Priscilla Meirelles. This is related to Priscilla’s cryptic posts on Instagram a few months ago. Isa sa mga posts niya ay ang: “There is a difference between giving up and knowing when you have had enough.”

John broke his silence when he addressed the issue on The Buzz. “Sabi niya sa akin, ‘It’s her freedom to post anything that she wants and what she feels,’” kuwento ni John.

Aminado si John na wala namang perfect marriage at katulad ng ibang mag-asawa ay dumaraan din sila ni Priscilla sa mga pagsubok. “Hindi ko nga alam eh. Iyon nga kakasabi ko lang na lahat naman ng relasyon hindi naman perpekto. Hindi talaga. I mean, wala namang relasyon na perpekto.”

“Wala namang perpektong marriage. Lahat naman dumaraan din sa mga lubak-lubak. So kami rin, we don’t have a perfect relationship, but masasabi namin na kaya naming ayusin ang lahat kung anumang darating sa amin.”

ADVERTISING

John and Priscilla got married in 2011 at Thunderbird Resorts in Poro Point, San Fernando, La Union. They have a daughter named Anechka.

Nagsalita rin si John tungkol sa isyu na diumano’y sinabi ni Janice (de Belen) that she’s not meant to be best friends with Priscilla. Janice was quoted as saying, “Hindi naman kami magkaaway ni Priscilla. Hindi lang din siguro kami meant na maging mag-best friends. As long as we are civil at maayos kaming dalawa, walang problema iyon.”

Nirerespeto raw ni John ang komento ni Janice. “Kung gusto naman din talaga nilang maging magkaibigan, eh ‘di bahala sila. Kung ayaw naman nila or kung okay naman silang ganito, wala din namang problema sa akin iyon. Ang importante din naman sa amin ni Priscilla at saka ni Janice ay iyong mga bata.”

Sa ngayon ay maganda na raw ang samahan nila ni Janice.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING