John Estrada at Janice de Belen, nagkabati na

ADVERTISING

John Estrada at Janice de Belen, nagkabati na

Janice-de-Belen-John-Estrada“ALL’S WELL that ends well.” Ito ang kasabihan na maaaring iugnay sa pagkakabati sa dating mag-asawa na sila John Estrada at Janice de Belen. Ilang taon din ang cold war sa pagitan ng dalawa, bukod sa hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay, kung saan nakarelasyon ni John si Vanessa del Bianco, mas lalo itong lumala dahil sa naging pahayag ni Janice na kulang na kulang ang sustentong ibinibigay ni John para sa kanilang apat na anak.

ADVERTISING

Pero sa loob ng matagal na ‘di pag-uusap ng dalawa, heto’t nagkausap na rin sina Janice at John at masasabing maayos na ang relasyon nila bilang mga magulang ng apat na anak.

Sa interview sa aktor kamakailan, masayang-masaya nagkuwento ang aktor na masayang-masaya rin ang mga anak nila sa pagkakabati nila ni Janice. Para nga sa aktor, wala na siyang mahihiling pa at sana ay magtuluy-tuloy na ito para na rin sa mga anak nila.

Ayon sa aktor, biglaan ang pag-uusap nila ni Janice at ito ay dahil papasok na rin sa showbizness ang anak nilang si Inah. Dito sila nag-usap dahil alam nila na bilang mga magulang ay kailangan nitong ng gabay galing sa kanila. Labing-tatlong taon din ang itinagal ng sigalot nila ni Janice at ngayon ay maligaya si John na maayos na ang lahat.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING