John Estrada, ‘di tutol sa relasyong Janice de Belen-Gerald Anderson kung totoo man

John Estrada, ‘di tutol sa relasyong Janice de Belen-Gerald Anderson kung totoo man

John-EstradaSA RADIO show namin nakausap ang mahusay na aktor na si John Estrada. At nalaman na rin niya ang tsismis na kesyo may bagong karelasyon ang kanyang dating asawang si Janice de Belen. At ang karelasyon diumano ay ang kabi-break lang sa kanyang gf na si Maja Salvador na si Gerlad Anderson.

Nabuo na naman ang tsikang May-December affair.

“Sa tototo lang, nagulat ako nu’ng nakarating sa akin ang balita. May nagsabi sa akin,” sey niya.

Kung totoo man daw ang tsismis ay hindi naman daw siya tutol.

Pero ang tsikang ito ay idinenay na ng aktres na si Janice. Well…

 

NAG-GUEST ANG anim na candidates ng Miss Earth Philippines sa aming radio show na Wow It’s Showbiz sa Radyo Inquirer 990 AM station last Monday at isang tanong namin sa kanila kung sino ang kanilang mga crush sa showbiz.

Nanguna ang pangalan ni Enrique Gil. Malakas pala ito sa mga kababaihan na medyo 20’s above na ang edad.

Nagsalita pa nga si Miss Bamban, Tarlac na si Enrique daw “very hot”.

Alam kaya ito ni Enrique? At ano naman kaya ang masasabi rito ng kanyang ka-loveteam na si Liza Soberano?

Well, magandang senyales ito, na malakas ngang talaga ang sex appeal ng binata. ‘Yun na nga…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!