John Estrada, apektado sa pagtatampo ni Willie Revillame!

John Estrada, apektado sa pagtatampo ni Willie Revillame!DUMATING NA PALA ng bansa si Charice Pempengco para mag-taping ng musical special na gagawin niya sa GMA-7.

Mabuti naman at natuloy na ito na alam ko nga-yong araw ang taping.

Pagdating ni Charice galing ng Los Angeles kahapon, tumuloy agad ito sa mini-presscon, pero limitado lang ang mga tanong at hindi puwede ang mga negatibong intriga tungkol sa kanya.

Siguro naman naayos na rin ang sa kanila ni Ogie Diaz dahil in fairness naman kay Ogie, ilang beses na itong humingi ng paumanhin sa mga nasulat niya noon tungkol sa batang singer.

Pero ayaw pa rin tigilan si Ogie ng mga fans ni Charice at tinitira siya nang husto.

Maluha-luha ngang nagsalita si Ogie sa Entertainment Live dahil dinadamay na pati ang pamilya niya.

Matindi na ang mga paninira sa kanya na ikinakalat sa Twitter at Facebook account.

Anyway, abangan n’yo na lang ang Valentine special ng GMA-7 na kung saan tampok nga itong si Charice.

PUMUNTA AKO SA birthday party ni Willie Revillame nu’ng kamakalawa ng gabi at hindi ko napansin kung nandu’n si John Estrada.

Ang dinig ko apektado raw si John sa pagtatampo ni Willie dahil sa pagbalik nga nito sa ABS-CBN 2.

Ang ikinasama ng loob kasi ni Willie na inayos niya nang husto ang noontime show na niluluto ng TV5, pero nabalitaan na lang nito na bumalik na ng ABS-CBN si John at isa rin daw ito sa mga host ng bagong noontime show na itatapat sa Eat Bulaga.

Balik-Dos na nga raw si John at pati na rin daw si Richard Gomez at ikinasama nang loob ito ni Willie.

Talagang on-air na tinalakan niya si John sa telepono at napanood ito sa Willing-Willie.

Hindi itinago ni Willie ang galit niya sa nangyari kaya ewan ko kung magkaayos ang dalawa.

Umatras na raw si Willie na bestman sa kasal ni John at Priscilla Meirelles ay isa raw iyan sa ikinalungkot ng aktor.

Sa February 26 pa ang kanilang kasal, kaya baka naman maayos pa sila at matuloy rin ang pag-bestman ni Willie.

Abangan na lang natin!

NAKUMPIRMA PALA NG Startalk na baby boy ang ipinagbubuntis ni Krista Ranillo.

Ang nakarating kasing balita, na-nganak na raw si Krista, kaya nu’ng kinumpirma ito ng Startalk, doon nalaman na hindi pa.

Kapapa-ultrasound lang pala ni Krista at doon lang niya nalaman na baby boy ito at Jr. na raw nila ito. Napagkasunduan na raw nila ng asawa niya na ipapangalan sa magiging baby nila ay Jefferson Niño Lim, Jr.

John Estrada, apektado sa pagtatampo ni Willie Revillame! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis