John Estrada, aminadong nag-aaway sila ng asawang si Priscilla Meirelles

John Estrada, aminadong nag-aaway sila ng asawang si Priscilla Meirelles

Priscilla-Mereilles-John EstradaPAGKATAPOS TANGGAPIN ni John Estrada ang karangalan sa katatapos na PMPC Star Awards for TV, hiningan siya ng reaction ng ilang member ng press sa backstage sa isyung nagkakaroon sila ng problema ni Priscilla Meirelles?

Nagsimula kasi ang pagdududa na magulo ang pagsasama nilang mag-asawa dahil sa mensaheng ipinost ni Priscilla sa isang social media.

Pagtutuwid ni John, wala naman daw kahulugan ang naging mensahe ng kanyang misis at lalong walang kinalaman daw ito sa kanilang pagsasama. Hindi naman niya itinatanggi na nag-aaway sila ni Priscilla na pangkaraniwan naman daw sa isang mag-asawa, pero never na aabot daw ito sa paghihiwalay.

Kahit na anong pagsubok daw ang dumaan sa buhay nila ay sinisikap nilang mag-asawa na magtuluy-tuloy na maging maayos ang kanilang samahan.

Pagdidiin pa ni John na hindi niya raw nakikita ang sarili na masasalang na naman sa isyung hiwalayan dahil ayaw niyang masabihan na sa edad niya ay wala siyang pinagkatandaan.

At lalong hindi raw niya nanaising mawala sa piling niya si Priscilla dahil sa sobrang maunawain at napakasuwerte niya, nakakita raw siya ng ganoon klaseng babae na bukod sa maganda, sexy, mabait ay hands-on-mommy pa sa kanilang anak.

Kahit na raw may yaya sila para sa baby, pagdating sa pagpapakain, paliligo at palit ng diapers ay si Priscilla raw mismo ang gumagawa. Madalas na binabasahan pa raw ng libro ni Priscilla ang anak nila. ‘Yun daw tanawin na ‘yan ang nakapag-isip-isip si John kung gaano siya ka-blessed sa pagkakaroon ng asawa na tulad ni Priscilla.

Paano raw hahayaan ni John na mawala ang isang tulad ni Priscilla sa kanyang buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo