John Estrada’s character is being asassinated by Willie Revillame’s paid writers?

ADVERTISING

 

John Estrada’s character is being asassinated by Willie Revillame’s paid writers?

ADVERTISING

John Estrada’s character is being asassinated by Willie Revillame’s paid writers?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday. Dahil mas pasabog at kaboom na naman ang aking chikka at nakapag-iinit ng ulo para sa akin. Kaya kung ako sa inyo at kung gusto n’yong maloka at mag-init sa mga chikka ko, basahin n’yo na ‘to.

Heto na nga, dahil kung naaalala n’yo ang isinulat ko noong nakaraang linggo, nakipag-ayos si Sen. Miriam Defensor-Santiago kay Cong. Manny Pacquiao at Mommy Dionesia.

Ooopppsss! Kaya pala lumabas ang balitang ito, ayon sa aking pananaw ay mukhang tatakbong presidente itong si Sen. Santiago sa 2016, ‘di ba? Eh, ‘di ba may balak ding tumakbo si Cong. Pacquiao? Kaya niya ibinaba talaga ang kanyang pride ay para makuha niya ang loob ni Pacquiao.

ADVERTISING

Ang taray naman talaga! Magandang eksena ‘yan para magpalakas siya sa mga taong iyon. Siguro nga kung saka-ling tumakbo siya bilang presidente sa 2016, gagawin niyang vice ay si Manny Pacquiao at ang endorser, si Willie. Hahaha! Nakakaloka!

‘Eto ang last na tanong: Papayag kaya si Manny Pacquiao na may balak ding tumakbo bilang presidente? Hahaha! Abangan na lang natin. Paaakkk!!!

 

‘ETO PA ANG pinakamainit na chikka. Kahit bu-mabagyo ay mainit talaga, dahil mukhang nag-iinit si Cristy Lucifermin kay John Estrada at talagang ayaw tantanan. Tatlong araw na niyang binabatikos si John at patuloy na sinisiraan, dahil nga sa isyung nanuntok daw itong si John ng floor director na si Alex.

Ang tanong, bakit kai-langang palabasin nilang masama ang tao? Bakit ‘yung nakakasama niya ay hindi nila mapalabas na ganu’n kahit na ipinapakita on cam kung paano sinisita ang kanyang mga tauhan?

Kung tutuusin, mas respetado si John bilang host kesa kay Willie, dahil wala pa siyang naipapakitang masama sa madlang pipol. Ano kaya ang gustong palabasin ng mga writer na ito? Pinapakita lang ba nilang talagang bayaran sila ni Willie Revillame? Obvious na obvious naman, ‘teh…

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong sikat na actress at TV host na masyadong kontrobersiyal na talaga namang nakikipag-date kung kani-kanino?

At ang isyu ngayon dito sa actress na ‘to, ka-live-in na raw ang isang hunk actor… huwaaaattt?! Hindi nga lang mailabas kasi hindi pa annuled ang kasal nila ng dati niyang asawa.

Naku naman, eh napapabalita rin kasing kung sinu-sino ang ka-date ng asawa niya, ‘di ba? Itago n’yo muna ‘yan, teh… hangga’t maitatago, ‘di ba? ‘Yun na!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING