John Arcilla, all out ang papuri kay Sharon Cuneta

ADVERTISING

John Arcilla, all out ang papuri kay Sharon Cuneta

John Arcilla, all out ang papuri kay Sharon Cuneta
Kuwaresma Team in Baguio City

AMINADO si John Arcilla na fan siya ng kanyang co-star sa pelikulang Kuwaresma na si Sharon Cuneta na produced ng Reality Entertainment at Globe Studios

ADVERTISING

Na-amazed ang aktor sa galing ng aktres lalo na kapag nakilala mo na si Sharon on a personal level.

Alagang-alaga niya ang mga kasamahan nila sa set. All praises si John kay Mega na akala niya noong una ay malabo na matupad ang wishlist niya na makasama si Sharon sa pelikula.

Dahil idol na idol niya ang aktres, nang magkaroon ng pagkakataon na mapanood niya ang isa sa mga series of concert ni Sharon sa Amerika recently, hindi na pinalampas ng aktor na panoorin ito sa Glendale, California show niya.

ADVERTISING

“Introduction pa lang ng first ng opening song niya, nagtataka ako kung bakit lumuluha ako.

Pagkukuwento niya sa mga press people na dumalo sa media conference ng pelikula nila, super excited si John na i-share ang experience niya habang katabi ang aktres.

John Arcilla, all out ang papuri kay Sharon Cuneta
John Arcilla in Kuwaresma

Pagkukuwento ng aktor: “Unang salita, unang buka pa lang ng bibig mo, bumalik lahat sa akin yung ng memories ng 1980’s na hindi ko alam kung bakit umiiyak ako, kumakanta ka, ibang klase,” na na-witness ang naturang show last March 30 sa Alex Theater na regular venue for Filipino celebrities na nagko-concert sa naturang lunsod.

Dagdag ng aktor: “Patawarin po ninyo ako, patawarin mo ako Sharon Cuneta, hindi ako mahilig sa concert, kahit mga international artist kasi hindi talaga ako mahilig na manood ng concert. So finally, pinanood kita, alam mo, one of the best experiences I had is watching your show,” pagmamalaki pa ng sa mga kaharap na mga media.

Sa first horror movie ng aktres na first team-up nila ni Direk Erik Matti ang Kuwaresma, si John ang gumaganap na asawa ni Sharon sa pelikula kung saan sa Baguio City sila nag-shooting para sa kabuunan ng pelikula.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING