Joey Paras, gustong mag-concentrate sa pagdidirek

Joey Paras, gustong mag-concentrate sa pagdidirek

Joey-ParasSPEAKING OF Joey Paras, as an actor, wala na siyang dapat pang patunayan. Magaling na stage actor/singer bago sumabak sa pelikula. Hindi na rin mabilang ang mga makabuluhang pelikulang kanyang nagawa. Naging Best Supporting Actor sa Cinemalaya, nirerespeto sa movie industry.

Memorable para kay Direk Joey P, ang launching movie niyang Bekikang na dinirek ni Wenn Deramas under Viva Films. Markado ang pagganap niya sa Maria Leonora Teresa bilang albularyo na naging super hit sa takilya. Hindi lang siya actor/director, isa rin siyang magaling na writer tulad ni Direk Wenn.

Marami pang gustong gawin si Direk Joey P., If ever maging successful ang first directorial job niya. Balak nitong mag-concentrate sa pagdi-direk para ma-explore ang talent nito as an artist, secondary na lang ang pagiging actor. Well, let see…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield