Joey Marquez, iwas na iwas sa isyu nila ni Joanne Quintas! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Joey Marquez, iwas na iwas sa isyu nila ni Joanne Quintas! – Gorgy’s ParkINIIWASAN NI JOEY Marquez ang intriga sa kanila ni Joanne Quintas. May lumabas na isyung nakita raw silang magkasama at parang sweet na sweet.

Nang nakorner namin ito sa birthday ng manager niyang si Malou Choa-Fagar, tinanong namin ito sa kanya na kaagad naman niyang idinenay.

ADVERTISING

Nabasa nga raw niya ‘yun at nagulat daw siya dahil nu’ng oras na ‘yun guest co-host daw siya sa Celebrity Duets kaya paano raw nangyari ‘yun? Marami naman daw ang nakakita sa kanya at napanood naman siya na nasa Celebrity Duets siya.

Nakakahiya naman daw kay Joanne na maintriga siya, pero hanggang du’n lang ang pagdi-deny ni Joey. Hindi na niya sinagot ang ibang tanong namin na may kaugnayan sa intrigang ‘yun.

Hiwalay na si Joanne sa asawa niyang si Domini Primero at ang pagkakaalam namin, may karelasyon si Joey na non-showbiz pero hindi ko na alam kung sila pa rin.

ADVERTISING

Mas gusto raw niyang tahimik lang ang lovelife niya.

Samantala, kinumpirma naman sa amin ni Joey na tatakbo siya uli bilang Mayor ng Parañaque.

Nagpapasalamat ito dahil bago dumating ang eleksiyon naklaro ang pangalan niya sa kasong kinasangkutan niya.

Alam naman daw niyang mangyayari ‘yun dahil inosente naman daw siya sa ibinibintang sa kanya.

Naniniwala rin si Joey na hanggang sa ngayon, sinusubaybayan siya ng dating manager niyang si Tito Douglas Quijano lalo na’t laging nagpaparamdam daw ito sa kanya.

HANGGANG NGAYON CONSISTENT pa rin sina LJ Reyes at Paulo Avelino sa pag-deny na sila na, kahit ilang beses na silang nakikitang magkasama.

Nu’ng nag-pictorial si LJ para sa cover ng FHM, nandun din si Paulo para bantayan siya.

Sa ibang event din ni Paulo ay nandu’n din ang young actress pero kung tatanungin mo sila, close friends lang daw talaga sila.

Magkasama ang dalawa bilang segment host sa Starstruck 5 na magsisimula na.

Magkakaalaman din iyan kung ano talaga ng real score sa kanila.

Bukod sa showbiz ay hindi pa rin nakalilimutan ni Paulo ang kinahihiligan niyang mountain climbing.

Dapat ay kasali siya sa isang competition sa Cebu nu’ng last week of October pero dahil sa bagyo hindi ito natuloy pero tumuloy pa rin sila sa rock climbing at magaling na rito ang young actor.

Balak daw niyang makasali sa iba pang competition dahil gusto niyang mag-excel sa naturang sports.

Pareho rin sila ni LJ na mahilig din sa sports pero hindi pa raw niya ito naisasama sa rock climbing.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING