Joey Marquez, aminadong overprotective kay Winwyn

ADVERTISING

Joey Marquez, aminadong overprotective kay Winwyn

Joey Marquez, aminadong overprotective kay Winwyn
Joey and Winwyn Marquez

AMINADO si Joey Marquez na ayaw muna niyang mauwi sa kasalan ang relasyon ng anak niyang si Winwyn Marquez kay Mark Herras.

“Seloso pa rin ako. Sa mga anak kong babae, seloso ako. Kung puwede lang tumandang dalaga sila bakit hindi, di  ba?” 

Hindi pa rin daw kasi siya ready na magka-apo agad kay Winwyn.

“Boyfriend nga ayoko, eh.”

ADVERTISING

So, hindi siya boto kay Mark Herras para sa anak?

“Ano lang… kung ano yung gusto niya. Pero kung ako ang tatanungin mo, hangga’t maaari, eh, hanggang sa umabot siya ng 32 years old akin muna siya.

“Eh, baby pa rin ang tingin ko sa kanila, eh. Lahat naman ng ama ang tingin sa kanilang anak ay baby lalo na ang babae,” reaksyon ni Tsong Joey.

Aware naman daw si Winwyn sa pagiging protective father niya.

“Alam naman niya na protective talaga akong ama. Alam naman niya na ginagawa ko lang yon to secure her future. At saka para makaiwas sa mga dating katulad ko — dati ha,” pagdidiin niya.

Magkasama ang mag-amang Winwyn at Joey sa pelikulang Unli Life ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ni Vhong Navarro. Ang pelikula ay kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino at mapapanood sa Aug. 15.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING