Joey de Leon, walang pakialam kay Willie Revillame

ADVERTISING

Joey de Leon, walang pakialam kay Willie Revillame

Joey de Leon, walang pakialam kay Willie RevillameOLA CHIKKA! MINSAN nang lumabas ang chikka na kapag itong si Willie Revillame ay lumipat sa Kapuso Network ay si Joey de Leon mismo ang magre-resign, dahil ayaw niyang makasama si Willie na dating kairingan niya sa magkatapat na shows nila tuwing tanghali.

Ngunit ngayon nga, mukhang hindi na totoo ang chikkang iyon dahil keber naman daw kung magkasama sila sa iisang istasyon. Hindi naman daw ‘yun big deal kay Joey, dahil ang hirap kayang maghanap ng trabaho para bigla na lang niyang

bitiwan ang career dahil kay Willie. Isa pa, hindi naman daw sila ang bonggang magkaaway dahil hindi naman siya si Jobert Sucaldito, ‘di ba?

Tama nga naman itong si Joey na ang trabaho dapat ay minamahal at hindi na uso ‘yang resign-resign na iyan. Ang iba nga riyan, halos mamatay na sa kahahanap ng trabaho.

ADVERTISING

Tapos may mga artistang gagawin at handang ibigay ang lahat mabigyan lang ng magandang break, ngayon nauuso naman ang resign dahil sa pride?

Naku, ha?! Hindi maganda ‘yan.  Isipin n’yo na lang na maraming naghahangad sa puwestong kinalalagyan n’yo ngayon, at kung makapagbigay ka man ng malaking halaga sa istasyon or magkaroon ka ng milyun-milyong fans ay matutong lumingon sa pinanggalingan at huwag maging kampante, dahil ang lahat ay may hangganan. Paak!!

SPEAKING OF KASIKATAN na sinasabi ko,tingnan mo na lamang itong bagong show ng labs na labs kong si Richard Gutierrez sa Siyete. Parang hindi naman ako kumbinsidong Celebrity Edition ang napapanood ko, dahil halos lahat ng castaways ay kasama na sa listahan ng aking mga LAOSyana.

Hindi naman sila kasikatan kaya hindi mo maituturing na celebrity to the highest level. Unahin mo na rito ang assistant ni Piolo Pascual. Sige nga sabihin mo kung artista siya? Malamang ‘yung boss niya, oo.

Pangalawa, halos lahat sila ay hindi naman sikat or medyo nalaos na, kaya papaano mong sasabihing celebrity edition iyon. Sa bagay, mukhang naaaliw naman ang mga tao kaya kahit palitan na lang nila ng title carry lang!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong napakagaling na singer na hindi lamang bihasa sa pagbirit ng mga linya ng kanta kundi maging pati ang mga hindi magagandang salita, number 1 din ang ranking niya?

Ang chikka kasi, isang hairstylist ng kilalang salon ang nag-aayos ng buhok ni singer para sa isang bonggang production nila sa kanilang noontime variety show.

Ikinakabit na ni hairstylist ang extension ng buhok ni singer at alam ng lahat na masakit ang procedure na ganu’n. Basically kapag nasaktan ang isang tao magre-react ito, either sisigaw na sasabihan ang stylist in a good way or worst is sisigaw siya ng “ouch!”

Pero naku, ‘Day! Maloloka ka kung paano nag-react si singer as in exaggerated na over-reacting talaga ang drama niya. Nagsisisigaw ng bad words na sobrang OA talaga niya. Kung gaano kaamo ang mukha niya at kaganda ang image sa telebisyon, ganu’n pala ka-wild ang ugali off-cam. Tsk, tsk, tsk!

Hindi maganda ‘yan. Pero marahil sobrang nasaktan lang talaga siya dahil mula naman sila sa magandang pamilya, lalo na ang kanyang anak ay sobrang talino at well-behaved talaga. Ayan ha? Given na! Hindi n’yo pa rin nahuhulaan?

Kung ganu’n ay abangan sa aking programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m.

At nais ko po kayong anyayahang manood ng Bitag Live ngayong Biyernes, 10-10:30 ng umaga upang masaksihan kung paano ang King’s Herbal Food Supplement ni Ka Rey Herrera ay tunay na nakagagaling at nakatutulong na mapalakas ang ating immune system upang makaiwas sa anumang sakit.

Thank you very much and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING