Joey de Leon, sinupalpal ng isang writer

ADVERTISING

Joey de Leon, sinupalpal ng isang writer

Joey-de-LeonSINUPALPAL SI Joey de Leon ng isang writer named Orlie Jacob who made an open letter to the comedian when he posted, “Yung  Heneral Luna siguradong box office hit agad kung binigyan ng cameo role si Alden as Rizal and Maine as…SISA” on his Twitter account.

ADVERTISING

“Naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may karapatang magbitiw ng mga salita base sa kung ano ang nilalaman ng ating puso. Subalit hindi lahat ay katanggap-tanggap, lalo pa’t ito ay negatibo o nakasasakit sa damdamin ng isang tao. Sabi mo nga minsan sa isang interview mo sa isang Talk Show: “Respect begets respect,” na sinasang-ayunan ko.

“Pero teka, bakit kailangan mong ikumpara ang sikat na sikat na #Aldub? sa pelikulang #HeneralLuna? na para bang minamaliit mo ang isang de-kalidad na pelikulang ito na dapat lamang tangkilikin ng bawat mamamayang Pilipino?

“Dahil sa totoo lang, ano ang kinalaman ng Aldub sa pelikulang Heneral Luna?

ADVERTISING

“At ayon sa ‘yong komentaryo, mas kikita o box office hit agad ang Heneral Luna kapag si Alden ay kasama sa cast bilang Rizal at si Maine bilang Sisa. Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga magagaling na aktor/aktress na kasama sa buong cast para kumita ang pelikulang ito?

“Tila yata may mali sa’yong tinuran. Dahil sa pagkakaalam ko, wala pang napatutunayan pagdating sa pag-arte sa big screen si Maine para ikumpara ito sa mga mahuhusay na artista sa nasabing pelikula.

“Uulitin ko, isa kang respetado at tinitingalang aktor sa ating bansa. Pero sa puntong ito, nakalulungkot isipin na sa ‘yo pa mismo nanggaling ang mga gayong salita na sa totoo lang ay BELOW THE BELT.

At bilang pangwakas…HINDI LAHAT NG BIRO AY NAKATUTUWA!”

That was Orlie’s aria about Joey’s post. Any comment, Joey?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING