Joey de Leon, seryosong bading sa bekiserye

ADVERTISING

Joey de Leon, seryosong bading sa bekiserye

Joey de Leon, seryosong bading sa bekiseryeALAM N’YO bang maging si Joey de Leon ay hindi pinalalampas ang gabi-gabing pag-ere ng bekiserye sa GMA? Tuloy, nakapagbiro siya sa Startalk na halaw raw ang kuwentong ‘yon sa real-life experience ng direktor nitong si Dominic Zapata.

But of course, Dom is every inch a man. Nagkataon ding malapit sila ni Tito Joey.

And guess what? Naging palaisipan tuloy sa amin ang tinuran ng TV host na huwag daw ikagulat ng mga manonood kung sa mga darating na episode ng bekiseryeng ‘yon ay ipakikila ang kanyang karakter.

Thinking it was a joke, tinanong namin si Tito Joey. And he said yes.

ADVERTISING

Tumawag daw sa kanyang si Direk Dom, asking if he could do a cameo role. JDL thought it was a good idea, pero ang pakiusap lang niya, “Dapat ang role ko rin du’n, eh, bading. Ano naman ang gagawin ko du’n kung gaganap akong macho?”

Sa ngayon, inaayos na ang pagpapakilala kay Tito Joey sa kuwento, baka raw sa buwan ng Agosto siya magsimulang lumabas. As to how his gay character will get enmeshed with the lives of Lally, Vincent and Eric ay hindi pa raw niya masasagot.

Sa kanyang filmography, ilang gay roles na ang binigyang-buhay ni Tito Joey but all of those were comedic. Mas kapana-panabik abangan si JDL as he slips into a serious gay character, for sure, intense ang kanyang attack.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING