Joey de Leon, awang-awa sa 2 EB Babe na nanakawan

ADVERTISING

Joey de Leon, awang-awa sa 2 EB Babe na nanakawan

Joey-de-LeonISANG PROGRAMA pa ang kasunod ng Eat Bulaga tuwing Sabado bago ang Startalk—ang Wish Ko Lang—pero tila en route to the GMA studio, Joey de Leon still couldn’t keep his mind off the unfortunate incident that befell two members of EB Babes.

Bungad kasi ni Tito Joey, “Kawawa naman ‘yung dalawang EB Babes, nalusutan ng dalawang magnanakaw. Natangay ‘yung dalawang bag nila na iniwan sa dressing room.”

Of the two bags, isa raw roon ay Louis Vuitton; the other na hindi matandaan ni JDL contained P80,000 in cash na inilalaan sana ng isa sa dalawang EB Babes para sa pagpapaopera ng kanyang ama.

Despite the incident, ani Tito Joey, nakuha pa raw mag-perform ng mga taong ninakawan—out of sheer professionalism—pero ramdam raw niyang nanlulumo ang mga ito. “Eh, magkano lang naman ang kinikita ng mga ‘yon?”

ADVERTISING

Nang madiskubre na ang mga nawawalang gamit, agad nilang nirebyu ang naka-install na CCTV. There, they found out that the gay culprits posed as stylists or make-up artists. How they gained entry into the Eat Bulaga studio ay posibleng sumabay sila among a huge crowd of entrants, oblivious to the security guard on duty.

Minsan na raw palang naaktuhan ni Tito Joey—noong nasa ABS-CBN pa ang Eat Bulaga many, many years ago—isang baklang nagpapanggap ding kakilala ng production staff ang pumasok sa dressing room.

Kuwento ni Tito Joey, “Nagkataon kasi na na-late ako nang dating, so pagpasok ko sa dressing room, nasa floor na sila. Pagpasok ko, ang bumungad sa akin, eh, isang bading na patingin-tingin sa mga gamit. So, tinanong ko, ‘May hinahanap ka ba?’ Ang sagot niya, ‘Ah, eh, wala po. Sige, aalis na po ako.’ Sabi ko, ‘Hindi, huwag kang umalis,’ so hinarang ko siya sa pinto. Kulang na lang maglumuhod siya. Tamang-tama, nagpasukan na ‘yung mga hosts, kaya tinanong ko, ‘O, kakilala n’yo ba ‘to?’ Hindi raw.”

Totoong walang pinipiling panahon kapag gumana na ang kalikutan ng kamay, pero mas nagiging talamak ang krimeng ito dahil magpa-Pasko. Sorry, but we don’t buy such a flimsy excuse na mahirap ang buhay.

Oo nga’t times are hard, pero hindi sinasabing para gumaan ang pamumuhay ng isang salat sa pera ay kailangang magnakaw!

‘Yan ang isaksak mo sa utak mo, June Paul Superioridad Subere ng Koronadal City, South Cotabato!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING