Joem Bascon mananatiling Kapamilya: ‘Happy ako sa ABS-CBN’

Leo Bukas

HINDI aalis sa ABS-CBN ang aktor na si Joem Bascon. Ito ang kanyang inamin sa ginanap na face-to-face presscon ng pelikulang The Other Wife na ginanap sa Boteyju Estancia Mall sa Pasig nitong Lunes.

Ayon pa sa aktor, masaya siya sa Star Magic dahil naaalagaan naman siya nito nang maayos.

Joem Bascon mananatiling Kapamilya:  ‘Happy ako sa ABS-CBN’
Joem Bascon

“Yes, masasabi ko po na they are taking care of me. Hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutan kausapin kapag may problema,” reaksyon ng aktor.

“Happy ako with the management. Happy rin ako sa ABS-CBN. Lagi naman akong may work. Right now kasi I have work with ABS-CBN and I’m happy naman. Meron akong The Broken Marriage Vow, nando’n po ako,” dagdag pa ni Joem.

Ang tinutukoy na teleserye ni Joem na kasama siya ay ang Pinoy adaptation ng Doctor Foster na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Zaijian Jaranilla.

Ano ba ang masasabi niya sa mga kasamahan dati sa Star Magic na lumipat na ng ibang network?

“Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network lilipat sila. Basta lang po ang akin, makipag-usap nang tama, magpaalam nang tama, okey naman po yon,” tugon ng aktor.

Sa pelikulang The Other Wife na idinirek ni Prime Cruz ay leading ladies ni Joem sina Lovi Poe at Rhen Escano. May mga daring scenes siya sa pelikula kasama ang dalawa na kailangan daw niyang ipagpaalam muna kay Meryll Soriano bago niya ito gawin.

Ani Joem, “Yes, opo, pinapaalam ko po. And then sa tulong ni Direk Prime at ng buong production staff, naayos naman, napag-usapan naman.  Siyempre kung minsan may mga bagay na kailangang i-tone down o kailangang baguhin lalo na kapag nasa set na, pero napag-usapan naman.

Joem Bascon mananatiling Kapamilya:  ‘Happy ako sa ABS-CBN’
Joem Bascon, Lovi Poe and Rhen Escano

“Napag-usapan namin yon ni Meme (palayaw ni Meryll), and I guess after this, siguro yon, magto-tone down muna ako sa paggawa ng daring scenes sa mga films na gagawin ko.”

When asked kung meron na bang silang wedding plans ng karelasyon,  ang sabi ni Joem ay hindi pa raw niya ito masasagot ngayon.

“Naka-focus muna kami ngayon ni Meme kay Guido, sa baby namin. Kung napapag-usapan na ba namin ngayon yung sa kasal, sa pag-aasawa, hindi ko pa yan masasagot ngayon. Siguro sa susunod nating pagkikita baka masagot ko na. As of now ini-enjoy lang po namin yung time namin together with the baby and sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami sa bata at nasa bahay lang kami,” lahad pa niya.

Magkakaroon ng global premiere ang The Other Wife via streaming  platform na KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax sa July 16, 2021.