Joem Bascon, gusto na ring magpakasal

ADVERTISING

Joem Bascon, gusto na ring magpakasal

Joem-BasconTahimik lang ang mundo ng aktor na si Joem Bascon. Ang hindi natin alam, tila malapit-lapit na rin siyang ikasal sa girlfriend niya na FilChi na taga-Mactan, Cebu. Isang model-actress ang girlfriend niya.

Sa kuwento ni Joem Bascon, he is older than his GF at nasa marrying age na rin sila. Katunayan gusto na ring magpakasal ni Joem.

Come Christmas, he will be spending the Holiday Season with her family sa Cebu. “Ganun ang scheduled ko usually during Christmas. ‘Andun ako sa eve and Christmas day ang I spend the New Year here in Manila,” kuwento niya sa amin sa press launch ng MMFF entry ng Regal Films na “Haunted Mansion”.

Maganda ang role ni Joem sa pelikula, may portion ng movie na naka-prosthetic make up siya at ayon sa kuwento niya, may mahalagang dahilan kung bakit pinapangit siya sa horror movie na ito.

ADVERTISING

Wala man ang nakasanayan ng publiko na Shake, Rattle, and Roll ngayong taon, may pamalit naman si Mother Lily sa mga fan na sumusubaybay sa Regal Films tuwing Christmas.

“Nakakatakot ‘yong haunted house location namin sa Tagaytay. Ang may-ari ng bahay, ang mga Marcoses. As in walang tao. Walang nakatira. Nakakatakot ang location,” kuwento ni Joem.

Sa katunayan, may eerie incident nga raw sa location ng pelikula nila. Kuwento ng isa sa mga production staff nang pumasok ito sa comfort room mag-isa, pakiramdam niya ibang tao na hindi nito nakikita na nagulat siya nang may mag-abot sa kanya ng tissue paper habang nasa CR cubicle ito, gayong wala naman siya kasama sa loob ng palikuran.

“Medyo nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nangyari sa akin ang ganun. Ayaw kong makakita. ‘Di ko alam kung ano ang magiging reaskyon ko,” kuwento ni Joem.

Makakasama ni Joem ang mga bagets na bida sa “Haunted Mansion” sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce.

Personally, isa ang Haunted Mansion sa mga pelikulang hindi ko palalampasin lalo pa’t mahilig ako sa mga pelikulang katatakutan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING