Joem Bascon at Meryll Soriano, nalalapit na ang kasal?

SIMULA nang magkabalikan sina Joem Bascon at Meryll Soriano, naging tahimik pagdating sa kanyang private life ang Kapamilya actor.

Ngayon na aktibo na si Meryll sa kanyang YouTube channel, marami ang nag-asam na sana’y makapanayam din nito ang kanyang partner at ama ng kanyang Baby Gido.

Joem Bascon at Meryll Soriano, nalalapit na ang kasal?
Joem Bascon and Meryll Soriano

For Father’s Day ay masayang humarap si Joem sa kamera ni Meryll at ilang katanungan mula sa mga netizens ang kanilang sinagot. Ilan sa mga katanungan ay tungkol sa pagiging ama ni Joem kay Baby Gido at ang mga nadiskubre nito tungkol kay Meryll ngayon na sila’y nagsasama na.

Bago natapos ang special Father’s Day video ay sumingit ang kapatid ni Meryll na si Kei at tinanong kung kailan ba pakakasalan ni Joem ang kanyang kapatid.

“Kapag ‘yung sa kasal, in time,” maiksing sagot ni Bascon.

“Ayaw ko marinig. Gusto ko surprise.” sambit naman ni Meryll with matching takip ng tainga.

“Surprise pa rin naman talaga siya,” saad ni Joem.

“Kapag okay na ang lahat. At saka isa rin yun, eh, kapag pinlano mo, hindi naman nangyayari. Minsan nangyayari na lang,” dagdag pa niya.

 

Nagpasalamat naman si Meryll kay Joem sa pagiging good father nito sa kanilang Baby at maging kay Eli, ang binatang anak ni Meryll sa kanyang ex-partner na si Bernard Palanca.

“I would like to thank Papa Joem for being the best dad ever hindi lang kay Gido but kay Eli. Thank you Papa for all of your sacrifices sa amin at ‘yung pagmamahal mo sa amin. Hindi lang sa amin kung hindi sa aking pamilya. Thank you for everything,” Meryll said sincerely.

Nagkahiwalay sina Joem at Meryll nong 2010 at nagkadebelopan muli noong 2019 habang ginagawa nila ang teleseryeng ‘Starla’ at pelikulang ‘Culion’.

Previous articleBugoy Cariño muntik nang ipalaglag ang anak nila ni EJ Laure
Next articleLiza Soberano, pormal na pumirma sa Careless Music label ni James Reid