Joel Lamangan, tinaguriang director sa kanyang gay films

ADVERTISING

Joel Lamangan, tinaguriang director sa kanyang gay films

Joel Lamangan
Joel Lamangan

Sa Wednesday na ipalalabas ang beki movie with a heart (read: gay romcom) na “That Thing Called Tanga Na” sa direskyon ni Joel Lamangan para sa Regal Films.

Kaya ang mga sister at mga kuya ko sa LGBT community ay excited na sa bagong gay film na positibo ang imahe ng mga beki at tomboy na ipinakikita ni Direk Joel Lamangan sa kanyang pelikula.

Ever since naman, si Direk Joel, never pinabayaan ang mga karakter niya na gay or tomboy sa kanyang pelikula.

Kaya nga siya ang tinaguriang happy director na love ng mga beki dahil positive ang image ng mga bading (at lesbians) sa mga nakaraan niyang movie tulad ng “Happy Together”, “Pusong Mamon”, etc.

ADVERTISING

Sa Tuesay, August 9 ay magkakaroon ng preem night ang movie sa SM Megamall Cinema 9.

Balita ko nga, sa red carpet premiere ng movie ay magbibihis “girl” ang mga bida tulad nina Billy Crawford, Kean Cipriano, Eric Qizon, at Martin Escudero.

Sa pelikula, kasama ng mga beki ang natural na “babaeng bakla” na si Angeline Quinto.

“I love Angeline. Natural na natural ang kabaklaan niya,” sabay tawa nang malakas.

Sa Martes mga beks, kita-kitz tayo sa Megamall para umawra.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING