Joel Cruz, sobrang na generous; pati PA, mga yaya, at houseboy, isinama sa Australia

ADVERTISING

Joel Cruz, sobrang na generous; pati PA, mga yaya, at houseboy, isinama sa Australia

Joel Cruz With Kids
Joel Cruz With Kids

Nakabalik na sa bansa ang very generous at napakabait na CEO/ President ng Aficionado Germany Perfume at tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz, kasama ang kanyang apat na anak, pamilya, at mga executive ng Aficionado Germany Perfume sa ilang araw na bakasyon at business trip sa Australia.
Very memorable daw para kay Sir Joel Cruz ang trip na ito dahil first time na nakarating sa Australia ang kanyang twins na sina Prince Harry at Prince Harvey, kung saan nilibot daw nila ang ilan sa magaganda at makasaysayang lugar sa Australia. Seven days daw na nag-stay sa Hunter Valley, Australia ang grupo nina Sir Joel.
Kuwento nga nitom “I won from a bidding last year when I received an APEA-Asia Pacific Entrepreneurship Award. I won together with Jollibee and Mercury Drug from the Philippines.”

Dahil nga likas na mabait at generous si Sir Joel, isinama niya ang kanyang mga executive, pati ang kanyang nannies, personal assistant (PA), at houseboy sa nasabing trip.
Sobrang saya nga raw at very thankful ang mga tauhan ni Sir Joel sa kanya, dahil bihira nga naman sa mga boss ang isinasama ang kanyang mga tauhan sa out-of-the-country-trip, lalo na’t family at executive trip ito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING