Joel Cruz, pinawi ang lungkot ng mga kapit-bahay sa pagkatalo ni Pacman

ADVERTISING

Joel Cruz, pinawi ang lungkot ng mga kapit-bahay sa pagkatalo ni Pacman

Joel-Cruz-Mommy-MilagrosPAGKATAPOS NG laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather last Sunday, sad to say nga at natalo ang Pambansang Kamao, dahil sa hindi mawari at maintindihan ng mga karamihan sa naging puntos na ibinigay ng tatlong naging hurado ng laban. Kasabay nang kalungkutan ng sambayanang Pilipino dahil sa pagkatalo ni Manny kay Mayweather ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Sabi, pati langit ay nalungkot sa pagkatalo ni Manny sa boxing.

ADVERTISING

Pero naibsan ang kalungkutan ng mga naninirahan sa Sisa Street, Sampaloc, Manila sa pagkatalo ni Manny dahil nagbigay ng kasiyahan si Sir Joel Cruz sa naturang lugar, kung saan piyesta that day. Nagpalaro si Joel Cruz sa mga staff, kaibigan, kamag-anak, kapatid, at mga naninirahan sa Sisa Street na bawat contest ay may P5,000 cash prize sa nanalo.

Katuwa si Joel dahil laging nasa tabi niya ang kambal na anak na nag-enjoy rin sa iba’t ibang contest. Nandoon din ang kanyang minamahal na ina na si Mommy Milagros na nag-e-enjoy sa mga palaro, kung saan lahat ay kasali – kapatid, pamangkin, staff, at mga kaibigan. Dahil sa saya ay naibsan kahit papaano ang dinanas na kalungkutan sa pagkatalo ni Manny Pacquaio kay Mayweather sa mga naninirahan sa Sampaloc, Manila.

Samantalang thankful si Sir Joel na binansagang Lord of the Scent dahil sa patuloy na pagpapalaganap ng kanyang Aficionados perfume sa iba’t ibang lugar. Pangarap ni Joel na magkaroon din ng Aficionado perfume sa iba’t ibang panig ng bansa para maipagmalaki ng bawat Pinoy na puwede rin tayong makipagsabayan sa mga imported na pabango na bukod sa maganda ang amoy ay mura pa at affordable ang prize.

ADVERTISING

Hindi rin naitago ni Joel na kung hindi naging maganda ang pagpapalaki sa kanila ng kanyang magulang ay hindi sila magkakaroon ng magandang buhay. Kahit na hindi sila mayaman noon ay sinikap ng kanyang ina na makapagtapos silang magkakapatid ng pag-aaral.

Nagpapasalamat si Joel sa pagiging mahigpit ng kanilang magulang dahil kung hindi ay baka nasadlak na rin sila sa iba’t ibang bisyo. Bilang ganti at pasasalamat sa ina ay ipinagpatayo niya ito ng mala-palasyong bahay sa dating tirahan nila sa Sisa Street, Sampaloc Manila. Ang naturang bahay ay napagkakamalan ng mga taong nagdaraan sa Sisa Street na isang simbahan or tirahan ng isang reyna.

Samantalang, tuloy ang pagkuha ni Joel Cruz kay Sarah Geronimo bilang bagong model at endorser ng Aficionado perfume.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING