Joel Cruz, namimigay ng house and lot worth P5-M sa kanyang loyal workers

Joel Cruz, namimigay ng house and lot worth P5-M sa kanyang loyal workers

Joel-Cruz SA SEPTEMBER 19 magaganap ang 15th anniversary ng Aficionado Germany Perfume at meron daw silang malaking sorpresa sa kanilang masugid na buyers at sa kanilang employees.
Meron na rin daw pabahay na ibinibigay si Sir Joel Cruz sa mga loyal na trabahador niya na umabot na sa 13 years sa pagtatrabaho sa kanyang kumpanya.

“Meron akong project na housing and they’re so happy. Kasi when I computed their retirement, kunwari bibigyan ka namin ng P1.5 million ‘pag nag-retire ka, but the house minsan umaabot ng P5 million, binibigay na ng company.

“Kaya nga sinasabi ko sa kanila, hindi naman sa pag-aano, sino ba namang kumpanya ang nagbibigay nang ganu’n? Bibigyan ka ng gift o reward na ganu’n, merong kang ganu’ng halaga ng bahay?
“I’m happy naman, kasi nakita ko naman kung papano sila nagsilbi sa kumpanya for so many years na rin. Sa ngayon, meron nang dalawang nabigyan at may mga susunod pa. Basta loyal lang sa kumpanya at hardworking.
“‘Yung isa nga, wala pang 13 years, pero ibinigay ko na sa kanya. Pero kailangan pa rin niyang tapusin ang 13 years of service at may kontrata kami na kailangan talaga niyang matapos.
“Masaya ako kasi happy sila at ganu’n din ang kanilang pamilya. Choice nila kung saan nila gusto, pero subject to approval ng executives, kasama rin ako. ‘Wag naman kasing sobrang layo. Dapat malapit pa rin sa opisina.

“Nakita ko kasi ‘yung loyalty, sincerity, at hardwork nila. Sila kasi ‘yung katulong ko sa success ng Aficionado, kaya I have to be generous to them,” pagtatapos ni Sir Joel.

 

My-PhoneDaniel Padilla, Devon Seron, Kyle Vergara, at Dubsmash King Teejay Marquez top internet influencers

 

NANGUNGUNA ANG mobile phone brand na MyPhone sa 2nd Quarter Internet Scan mula sa data na nakalap ng Puzzlebox na naka-hit ng 47 million total internet impression for the month of April 2015. Ito ay dahil sa isinagawang  trending launching para sa MyPhone Rio 2.

Malaki rin ang naitulong ng MyPhone endorsers at Kapamilya stars na sina Devon Seron at Daniel Padilla para makuha ang mataas na impression na ito, sa tulong na rin ng kanilang mga fans na walang sawang nag-post, nag-retweet, nag-repost ng kanilang posts about MyPhone.

Top influencers din sa naturang buwan ang brand ambassador at RED model and talent na si Kyle Vergara at maging ang Kapamilya actor at tinaguriang Dubsmash King at sobrang sikat gayon sa Indonesia na si Teejay Marquez.

Matatandaang present sa launching ng MyPhone Rio 2 sina Teejay at Devon na talaga namang pinag-usapan sa mga social media site dahil sa undeniable chemistry ng dalawa sa mga lumabas na photos.

For the month of May 2015, mataas din ang nakuhang internet impression ng MyPhone na humigit sa 17 million. Ito ay dahil sa matagumpay na campaign for their “Mega Nationwide Sale”. Top influencers for the month sina Daniel Padilla at Devon Seron. Muli na namang pinatunayan ng ex-Pinoy Big Brother teen housemate na si Devon na siya ang Trending Queen ng brand, dahil mula kanya ang most notable post na nakalap na data ng 3rd party internet scanner.
Albie-CasinoAlbie Casiño, nabigyan ng isa pang pagkakataon sa Dos

 

SUPORTADO NG owner ng celebrity salon na Headway Vera Salon na si Sir Mikhail Hirang ang isa sa kanyang endorsers na si Albie Casiño na nagbabalik-Kapamilya Network via On The Wings Of Love na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.
Tsika nga ng model/owner ng sikat na salon, “Napakabait ni Albie kaya deserving siya na mabigyan ng second chance ng ABS-CBN. Sana magtuluy-tuloy na ‘yung suwerte niya sa ABS-CBN, kasi magaling siyang actor.”

Gagampanan ni Albie sa On The Wings of Love ang boyfriend ni Nadine. Ito ang magiging ka-love triangle nina James at Nadine.

John’s Point
by John Fontanilla