Joel Cruz, ‘di raw ipagdadamot ang mga anak sa kanilang ina

ADVERTISING

Joel Cruz, 'di raw ipagdadamot ang mga anak sa kanilang ina

Joel Cruz' Kids
Joel Cruz’ Kids

“Hindi ko ipagdadamot sa kanilang tunay na ina ang mga anak ko. Kasi wala namang sikretong ‘di mabubunyag!”

Ito ang naging pahayag ni Lord of Scents Joel Cruz sa katanungan kung handa ba itong ipaalam sa kanyang mga anak ang katotohanan.
Dagdag pang kuwento ni Sir Joel, “Nu’ng isang araw nga, medyo napaisip ako, kasi bigla na lang nagtanong ‘yung anak kong si Princess ng ‘Where is mommy?’ Napahinto at napaisip ako. Pero sinabi ko ‘yung totoo na ‘Your mommy is in Russia.’ Du’n ako nakahinga nang malalim.
“Ako naman kasi, wala akong isisikreto sa kanila. Pagdating ng tamang panahon at malaki na sila, sasabihin ko sa kanila ang totoo.
“Mas maganda kasi na habang bata sila, malaman nila ang totoo. Mahirap kasi na itatago mo at sa iba pa nila malalaman.
“Basta ako, wala akong ililihim sa kanila. Lahat, sasabihin ko.”
Hindi rin itinatago ni Sir Joel ang posibilidad na magkaroon ulit siya ng another twins or triplets, dahil gusto pa raw nito ulit na magkaroon ng panibagong anak sa pareho ring nanay ng kanyang apat na anak.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING