Joed Serrano, ipapasok si LA Santos na front act sa concert ni Celine Dion

ADVERTISING

Joed Serrano, ipapasok si LA Santos  na front act sa concert ni Celine Dion

Joed Serrano, ipapasok si LA Santos  na front act sa concert ni Celine Dion
LA SANTOS

MAY nakitang kakaiba ang concert producer na si Joed Serrano sa Star Music singer na si LA Santos kung bakit niya ito ipina-produce ng concert sa Music Museum on April 30 titled “LA Santos #Petmalu.”

Pero tagubilin niya sa newbie singer na iko-comanage na rin niya, ay pag-ibayuhin pa nito ang pagtityaga.

 “Alam mo ang showbiz tiyagaan yan, if you really want it, if you want to be in this industry kailangan niyang tanggapin. I really believe in his talent, so sana po, kung ano yung nakikita ko, sana makita n’yo rin sa kanya,” sey ni Joed.

Plano rin ni Joed na gawing front act si LA sa concert ni Celine Dion sa July kung saan siya rin ang producer.

ADVERTISING

“Pag pumayag siya na may mag-guest, siyempre si LA yung  una kong sasabihin, di  ba? But again, siya talaga yung magde-decide.

“Isa rin sa mga dahilan kung bakit ko ginagawa itong concet ni LA is because I need something to show and to provide in case na manghingi sila ng requirements. Pero sabi ko nga, ang magde-decide, eh, yung artist. We’re just hoping na sana… sana. Puwede rin naman sabihin ni Celine na ayoko ng guest, wala kaming magagawa,” paliwanag ni Joed.

Joed Serrano, ipapasok si LA Santos  na front act sa concert ni Celine Dion
Joed Serrano and LA Santos

Nakiusap din si Joed na huwag lagyan ng malisya ang pag-aalagang gagawin niya sa binata.

 Aniya, “Tungkol diyan sa tsismis na yan, malabong mangyari, kasi ito yung…” sabay pakita niya sa amin ng photo ng kanyang boyfriend sa cellphone.

“Six years na kami. He’s a businessman. Aside from that, hindi naman ako mahilig sa masyadong bata,” buong ningning pang paliwanag ni Joed.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING