Jodi Sta. Maria, wala pang balak magpakasal kahit annulled na

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, wala pang balak magpakasal kahit annulled na

Jodi-Sta-Maria Jodi-Sta-MariaAYAW PA ring pag-usapan ni Jodi Sta. Maria ang isyu tungkol sa annulment nila ni Pampi Lacson.

Iyuo ang isa sa kinalkal na isyu sa aktres sa launch ng Alagang Flawless na ini-endorse niya.

Pero sabi niya, magsasalita raw siya sa tamang panahon.

Pero okay raw sila ni Pampi. Pati nga sila ni Iwa Moto ay okay na rin pero hindi naman daw talaga sila masasabing friends.

ADVERTISING

Natutuwa lang daw siya dahil masaya ang anak niyang si Thirdy kapag nakikita nito ang baby sister niya. Feel na feel daw ni Third ‘yang pagiging kuya niya.

Pagdating naman sa kanila ni Jolo, masaya raw sila sa kanilang relasyon, pero hindi naman daw napag-usapan ang kasal.

Ang sabi pa nga ni Jodi, kahit masasabing free na siya at annulled na talaga, wala pa rin daw siyang balak magpakasal.

Ang gusto pa nga ni Jodi na makapagtapos ng pag-aaral. Gusto raw talaga niyang magkapagtapos ng Medicine.

Bongga si Jodi, ha! Nagagawa pa niyang mag-aral at gusto talaga niyang maging doktor.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING