Jodi Sta Maria, todo suporta sa Pamilya Revilla

ADVERTISING

Jodi Sta Maria, todo suporta sa Pamilya Revilla

Jodi-Sta-MariaHINDI NAMAN puwedeng dedmahin ko si Sen. Bong Revilla nang pinakiusapan niya akong dumalo sa privilege speech niya sa Senado nu’ng kamakalawa ng hapon.

Kahit ano pang sabihin nila, pumunta talaga ako dahil siyempre love ko naman si Bong.

Nakasabay ko pa nga si Bayani Agbayani na dumating sa Senado. Nandu’n din siyempre ang bestfriend niyang si Phillip Salvador na sabi nga ni Bong, baka naman daw puwede samahan sila ni Sen. Jinggoy Estrada ni Ipe sa kulungan.

Madamdamin ang speech ni Bong, at marami naman ang pumuri kahit marami rin ang pumupuna sa kanya. Hindi naman mawawala ‘yun eh. Pero natuwa talaga ako, kasi walang binatikos si Bong, napaka-positive ng mga statement niya, at nakikitang handang-handa na siyang makulong at kung saan man aabot itong kasong hinaharap nila.

ADVERTISING

Siyempre, hindi rin napigilan ni Lani na maiyak pati ang mga anak nila.

Sabi nga ni Lani, kailangan daw niyang magpakatatag at may mga nagsasabi nga sa kanyang huwag siyang umiyak sa harap ni Bong, dahil sa kanya rin humuhugot ng lakas ang kanyang asawa, pero siyempre tao lang si Lani. Hindi naman siya bato at magpakatigas sa pinagdaanan ng pamilya. Kaya hindi niya napigilang maiyak.

Kuwento pa ni Lani, ang isa pang napapabilib siya ay ang panganay nilang anak na si Bryan.

Sabi niya, “Napapabilib ako kay Bryan dahil siya ang pinaka-advance ang growth pagdating sa paniniwala at pananampalataya sa Panginoon. He’s becoming our stronghold.

“Kumbaga, in case Bong is not there, he’s standing up as a father and a big brother to our household.”

Matibay rin daw si Jolo, at malaking bagay na nandiyan si Jodi Sta. Maria na nakasuporta sa kanya, at sa buong pamilya.

Sa totoo lang, ‘yun ang isa sa ikinatuwa ko na talagang nandiyan si Jodi. Nakikita siyang kasama sa prayer meeting nila, at wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao na ‘di type si Bong siyempre.

Malaki ang pasasalamat nina Lani kay Jodi dahil talagang nagbibigay siya ng oras niya sa kanila lalo na’t kailangan nila ngayon. Minsan daw kapag nagpi-prayer meeting sila, nagluluto si Jodi para sa kanilang lahat. Iyon pala ang passion ng aktres, ang magluto. Kaya sana sila na nga ni Jolo dahil bagay na bagay talaga sila.

Kaya malaking bagay talaga si Jodi para kay Jolo na kailangan nila ngayon ng karamay, ‘di ba?

Ang wish lang nina Lani at ng mga anak nila, sana makasama pa raw nila si Bong sa darating na Father’s Day.

Pero kung makukulong na siya bago ang Father’s Day, wala naman daw silang magagawa.

Ang sabi ni Lani kay Bong, ang mahalaga buhay siya dahil kahit nakakulong nandiyan para madalaw-dalaw naman nila.

Tama naman, hangga’t may buhay may pag-asa, ‘di ba? At least, napaka-positive nila na malagpasan nila itong pinagdaanan nilang bagyo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING