Jodi Sta. Maria, tinanggihan si Amor Powers

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, tinanggihan si Amor Powers

Jodi-Sta-MariaNAGLABASAN NA nga sa mga pahayagan na si Jodi Sta. Maria raw ang bubuhay sa role ni Eula Valdes bilang Amor Powers sa remake ng hit teleserye noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN na gagampanan ngayon ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Pero napag-alaman namin sa farewell presscon ng high-rating daytime teleserye na Be Careful With My Heart nina Richard Yap at Jodi na hindi raw ang aktres ang gaganap as Amor Powers nga, dahil gusto raw munang magpahinga at magbakasyon nito.

Although kahit sa boyfriend ni Jodi na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ay nakarating na ang girlfriend n’ya raw ang next Amor Powers.

Kung sa bagay, more than two years namamayagpag sa ere ang Be Careful… at halos araw-araw raw talaga ang taping nila kung minsan.

ADVERTISING

Ang tunay na gaganap daw na Amor Powers ay si Angelica Panganiban.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING