Jodi Sta. Maria sinubukang hanapin ang biological dad

SA ISANG pambihirang pagkakataon ay nag-open up ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria tungkol sa kanyang personal life partikular sa kanyang teenage years kung saan sinubukan niyang hanapin ang kanyang biological father.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa vlog nito ay ibinahagi ng magaling na aktres na noong siya’y 14-15 years old ay sinubukan niyang hanapin ang ama.

Jodi Sta. Maria sinubukang hanapin ang biological dad
Jodi Sta. Maria

“Doon ako nag-start mapaisip na kung may mom ako, then nasaan na yung dad? My mom would always tell us na he’s abroad, working. Later on ko na lang nalaman what really happened between them. My mom was about four months pregnant with me when my dad left her. She was left on her own to raise me,” kuwento ni Jodi.

Nang makapasok ito sa showbiz, sinubukan niyang hanapin ang ama at hindi niya ito binanggit sa kanyang ina.

“To cut the long story short, nakahanap ako ng [connection] and this person gave me a website na puntahan ko daw. Tinype ko yung name ko and nandoon ako sa family tree. So nagkaroon na ng mukha yung dad ko. “Hanap ako nang hanap. It took me about 10 years to finally put the pieces of the puzzle together na, ‘Ah ito yun.’ Until I asked [my mom] if this guy is my dad. She said yes,”

Unfortunately, it was too late for Jodi dahil sumakabilang-buhay na pala ang kanyang ama noong 2001.

“When I found out who he was, he was long gone na. He passed away 2001. I was able to meet yung other children niya, yung cousin niya, yung ibang family members niya. Nakilala ko naman yung side na yun ng family.”

Kahit pa ganito ang sinapit ng kanyang paghahanap, hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama.

“Kasi my mom would always tell us na nasa ibang bansa nagwo-work. Hindi na talaga siya napag-usapan. Okay naman kami. Wala ka namang hahanapin kasi hindi mo naman kinagisnan eh. Pero nung medyo lumaki ako, doon ko lang medyo na-feel na parang kailangan ko man lang ng acknowledgment. Hindi ako manggugulo or manghihingi ng kahit ano. Gusto ko lang sabihin mo sa akin na anak mo ako.”

Kahit na hindi niya nakamit ang inaasam-asam na pagkilala, thankful pa rin si Jodi dahil ang pananalataya niya sa Panginoon ang gumabay sa kanya at pumuno ng pagkukulang na kanyang naramdaman noong kabataan niya.

“Malaking bagay yung pagkakaroon ko ng relationship with God. Yes I may not have an earthly father but I have a heavenly Father who loves me so much and who would never reject me, and accept me for who I am.”