Jodi Sta. Maria at Richard Yap, binago ng kiligserye ang kanilang buhay

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria at Richard Yap, binago ng kiligserye ang kanilang buhay

Richard-Yap-Jodi-Sta-MariaNAKALULUNGKOT, PERO lahat talaga ng bagay ay may katapusan. Magkaganu’n man, ipinagpapasalamat nang malaki nina Jodi  Sta. Maria, Richard Yap at ng iba pang cast na napasama sila sa kiligseryeng Be Careful With My Heart na magtatapos na sa Nov. 28.

ADVERTISING

Ayon sa kanila, malaki ang nagbago sa buhay nila mula nang maging part sila ng Be Careful With My Heart. Bukod sa natatanggap nilang talent fee, nadagdagan din ang raket ng karamihan sa cast.

Si Jodi at Richard ay dumami ang endorsements. Tumaas naman ang market value nina Sabel at Doris bilang stand-up comedienne and host. Si Jerome Ponce at Janella Salvador na parehong introducing lang sa serye, may kani-kanyang career na ngayon. Nagkaroon din ng career ang dating talent lang na si Marlo Mortel.

In short, yumaman sila dahil sa Be Careful With My Heart, huh!

ADVERTISING

Naging household names din sina Manang Fe (Gloria Sevilla), Nanay Teresita (Sylvia Sanchez) at Kute (Aiza Seguerra). Lumabas din lalo ang husay ng child star na sina JM Ibanez at Mutya Orquia.

Kaya naman during the farewell presscon, hindi maiwasan ng cast na malungkot. Mami-miss daw nila ang isa’t isa dahil para na silang isang malaking pamilya.

After Be Careful With My Heart, may mga naka-line-up nang projects para sa iba, habang ang ilan, hoping na mapasama ulit sila sa bagong teleserye na gagawin ng ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING