Jodi Sta. Maria pasado sa final thesis; malapit nang maka-graduate ng college

Leo Bukas

Isa ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa malaki ang pagpapahalaga sa edukasyon. Kahit busy sa kaliwa’t kanang trabaho sa showbiz ay hindi niya iniwan ang pag-aaral. Tuwang-tuwa siyang ibinalita na malapit na siyang maka-graduate.

Ayon pa  kay Jodi, naipasa niya with flying colors ang defense ng final thesis last Saturday kaya sa wakas ay makaka-graduate na rin siya.

Jodi Sta. Maria pasado sa final thesis; malapit nang maka-graduate ng college
Jodi Sta. Maria

Ipinost  ni Jodi ang kanyang achievement sa kanyang  Instagram Story pati na ang picture niya na kuha habang nagaganap ang kanyang virtual thesis defense sa Southville International School and Colleges. Jodi is taking up B.S Psychology.

“Wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than 3 hours was no joke, but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were so worth it. Marching soon!” caption ni Jodi sa kanyang IG post.

Nag-post din ng mensahe si Jodi sa  kanyang Twitter account para pasalamatan ang lahat ng mga nagdasal para sa kanya at sa mga nagpadala ng kanilang message of encouragement.

Aniya,  “I want to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation!”

Taong 2017 nang ibalita ni Jodi na desidido siyang bumalik sa pag-aaral at tapusin ang kanyang kursong Bachelor of Science in Psychology. May plano rin ang aktres na  kumuha ng Master’s degree.

Samantala, Jodi will have a new TV series sa ABS-CBN. Bida siya sa The Broken Marriage Vow na Philippine adaptation ng original BBC Drama na “Doctor Foster” (World of the Married ng Korea). Kasama niya sa series sina  Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla.