Jodi Sta. Maria, natupad ang pangarap na maging concert artist

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, natupad ang pangarap na maging concert artist

Jodi-Sta-MariaNATUPAD DIN ang pangarap ni Jodi Sta. Maria na maging concert artist dahil magkakaroon ng libreng concert ang I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 25.

Pinaghandaan ito nang mabuti ni Jodi dahil una nga ay natupad ang pangarap na maging concert artist, maraming natutunan at nagawa sa kanya ng serye.

“Nagkaroon ako ng album. Nakapag-perform sa ibang bansa. As a person, I become more patient, understanding and more sensitive to the needs of other people. Kakaibang experience ang naranasan ko rito,” aniya.

Nag-enjoy rin sa serye si Richard Yap (Ser Chief) kahit dumami raw ang puting buhok at lumaki ang eye bags dahil sa magdamagang taping.

ADVERTISING

Ganoon din sa mga tsikiting na kasama sa serye na siyang ikinaantig ng damdamin ng mga press nang isa-isang nagpasalamat dahil sa nagawang tulong sa kanila at kanilang pamilya.

Sabi ng isang tsikiting, dahil daw sa tumaas ang talent fee niya ay nasa private school na siya nag-aaaral at lumaki ang kanyang savings.

May nagsabi naman na mapagtatapos na niya ang nakababatang kapatid. Ang ibang bagets naman ay nakapag-travel sa abroad at nakatulong ang kanyang kinita sa pagpapa-chemotherapy ng nanay na may breast cancer.

Kasama rin si Aiza Seguerra sa serye na malaki raw ang nabago sa kanya ng Be Careful With My Heart dahil nadagdagan ang mga taong nagmamahal sa kanya. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan, bagong nanay at mga kapatid.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING