Jodi Sta. Maria, nakatutok sa pag-aalaga kay Jolo Revilla

Jodi Sta. Maria, nakatutok sa pag-aalaga kay Jolo Revilla

Jodi-Sta-MariaBUKAS NA ako magsasalita sa Startalk tungkol dito sa isyu ni Jolo Revilla. Pagkatapos n’yan mananahimik na ako. Nasabi ko na lahat at nailabas na rin naman ng Pamilya Revilla ang nararamdaman nila sa nangyaring ito, kaya tama na ‘yun.

Hayaan na lang natin siguro na magpagaling si Jolo. Medyo nahirapan siyang magpagaling dahil sa nararamdaman niya, pero ngayon ay nakaalalay ang buong pamilya na gumaling siya at malagpasan itong pinagdaanan niya.

Ang daming naglalabasang kuwento, dedma ko na lang dahil si Jolo lang ang tanging makasasagot niyan.

May kumalat pang kuwentong break na raw sina Jolo at Jodi Sta. Maria, parang wala namang katotohanan dahil nandu’n naman si Jodi at nakatutok sa pag-aalaga kay Jolo.

Sabi naman ng aktres, nandu’n lang daw siya para sumuporta kay Jolo.

Ayaw na niyang magsalita dahil nasa pamilya na raw ito at sila na ang bahalang magsalita tungkol diyan.

Nakatutuwa nga si Jodi dahil nu’ng dumating si Sen. Bong Revilla sa hospital, nasa tabi lang siya at hindi siya umeeksena du’n.

Pumasok lang siya nang ipinatawag na siya ni Jolo. Napakabait ni Jodi talaga. Wala akong masabi sa kanya.

Samantala, ang dami pa ring nag-bash kay Sen. Bong at sa pamilya niya sa kabila nitong mga pinagdaanan nila.

Dedma na lang sina Bong diyan. Ang importante sa kanila, buo silang pamilyang nagtutulungan na makaya nila itong mabigat na pagsubok na pinagdaanan nila.

Ang sa akin, mas pinapansin ko ang nakaiintindi at nagde-defend kina Bong, dahil naintindihan nila ang pinagdaanan ng pamilya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanilang lahat.

Salamat sa napakalaking pusong ibinibigay n’yo kina Bong at sa pamilya nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis