Jodi Sta. Maria, naghihintay na sa proposal ni Jolo?

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, naghihintay na sa proposal ni Jolo?

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaNATUWA NAMAN ako nang naikuwento sa aking nag-propose pala ang panganay na anak nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na si Bryan Revilla sa girlfriend niyang si Joyce Platon.

Itong si Joyce Platon ay kilalang make-up artist na alam ko mahal ang charge nito sa bawat make-up service.

Ang pagkakaalam ko, umalis na ito patungong Amerika para Roon magtrabaho. Pero bago siya, umalis nag-propose muna sa kanya si Bryan. Ginawa niya pala ito sa Camp Crame nu’ng nag-celebrate si Sen. Bong ng kaarawan niya nu’ng nakaraang Huwebes.

Nagulat nga sila nu’ng biglang nag-propose si Bryan sa girlfriend niya sa harapan nila.

ADVERTISING

Tuwang-tuwa naman sina Bong at Lani dahil nakikita naman nilang talagang seryoso ang anak nila sa relasyon nito.

Nu’ng kamakalawa lang pala umalis pa-Amerika si Joyce at malungkot nga raw ang panganay nila.

Balak ni Bryan na dalawin si Joyce sa Amerika pagpunta nila roon kasama ang iba pa nilang kapatid na sina Jolo Revilla at Loudette.

Kuwento pa nga sa akin ng mga nakadalaw kay Bong sa Crame, hinarap din daw niya sina Jolo at Jodi Sta. Maria na dumalaw rin nu’ng araw na ‘yun.

Tinanong daw sila kung gusto rin nilang sumunod kay Bryan. Balak ba ni Jolo na mag-propose kay Jodi.

Wala pa raw sa plano nila ‘yun, at hindi pa raw nila napag-uusapan. Napapangiti na lang si Jodi.

Kung sa bagay, nasa tamang edad na rin naman sila para malagay sa tahimik.

Iyon na rin naman siguro ang gusto nina Bong at Lani.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING