Jodi Sta. Maria, misis na kung ituring ni Jolo Revilla

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, misis na kung ituring ni Jolo Revilla

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaPARANG MISIS na kung ituring ni Jolo Revilla ang girlfriend niya si Jodi Sta. Maria. Kahit anong okasyon, palaging nasa tabi ng actor/politician ang actress. Buong pagmamalaki nitong ipinakikilala ang future wife sa kanyang mga kaibigan at kapamilya. Tanggap ng Revilla clan si Jodi, obvious namang botong-boto nga sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado sa magaling na actress. Balita nga namin, going stronger ang kanilang relationship kahit nagkakatampuhan paminsan- minsan.

Maraming pagbabago sa buhay ni Jolo nang maging sila ni Jodi. Masasabing lucky charm ng actor/politican ang actress. Lalo ngang naging matibay ang kanilang relasyon sa mga pagsubok na dumating sa pamilya Revilla. Palaging naka-support si Jodi sa anumang problemang kinakaharap ni Sen. Bong.

Kaya naman, ganu’n na lang ang pasasalamat nina Sen. Bong, Cong. Lani at buong pamilya nito sa pagmamahal at suporta na ibinibigay ni Jodi sa kanila lalong-lalo na kay Jolo. Kulang na nga raw ang kasal sa dalawa para maging legal na ang kanilang relationship. Sa ngayon, hindi pa raw ready ang mag-dyowa na lumagay sa tahimik. Okay naman daw ang takbo ng kanilang relationship, walang kontrabida. ‘Ika nga, smooth sailing.

Very much happy ngayon si Jodi sa takbo ng kanyang personal life at showbiz career. Kahit raw maging misis na siya ni Jolo in the near future, tuloy pa rin  ito sa pag-aartista. Napag-usapan na raw nila ang tungkol sa bagay na ito. Kahit active ang actor sa lalawigan ng Cavite, gagawa pa rin siya ng pelikula. Nasabi nga ni Jolo, “Kung saan maligaya si Jodi, nandito lang ako to support her. Wish ko nga, siya na ang makasama ko habang buhay, sana mangyari ‘yun,” wika nito.

ADVERTISING

Perfect couple na maituturing sina Jolo at Jodi sa paningin ng media. Hoping na sana’y at the end of their journey and trial masaksihan natin ang pagharap nila sa altar.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING