Jodi Sta. Maria, may payo sa mga malulungkot ngayong Pasko

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, may payo sa mga malulungkot ngayong Pasko

Jodi-Sta-Maria“All You Need Is Pagibig” ang title ng pelikula nina Kris Aquino, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Julia and Talia Concio, Bimby Aquino Yap, Ronaldo Valdez, Nova Villa, Pokwang, at Derek Ramsay under Star Cinema – entry for Metro Manila Film Festival this December 2015.

It’s a heartwarming and romantic family movie na Isinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone. Kilala siya bilang blockbuster Hugot Director of the Philippines. Ayon sa box-office director, maraming nakakikilig na eksena sina Kim at Xian, maging sina Ian at Jodi Sta. Maria.

Diretsong sinabi ni Kim, “All I need is Xian.” May kilig nang bigkasin ito ng dalaga. Sinagot naman ng actor ang tinuran ng actress, “Palagi namang may kilig… Sabi ko nga kay Kim nu’n, tinanong niya ako, for the first time na magkaeksena kami up to now kung mayroon pa rin bang kilig. Parang ano lang ‘yung usapan. Sabi ko, everytime na nakikita kita lalong dumadagdag ng dumadagdag ‘yung feeling ko sa kanya. Everyday nagle-level up ‘yung pagtingin ko sa kanya.”

Kakaiba rin ang tambalan nina Ian at Jodi, kikiligin ang kanilang mga fans sa bago nilang pelikula. Hanggang ngayon patuloy na sinusubaybayan ang serye nila gabi-gabi. “The other reason kung bakit gusto nilang panoorin ang pelikula namin, we’re just being professional. I have a family, I’m married, so ganu’n. Parang may saxual tension na mayroong forbidden love na ganu’n, baka ‘yun. They find it very interesting…” say ni Ian.

ADVERTISING

Nagbigay rin ng sarili niyang opinion si Jodi kung bakit click sa mga fans ang tandem nila ni Ian kahit sa TV at pelikula lang sila magka-loveteam. “Dito mas light compared du’n sa napapanood nila tuwing gabi.’Yung istorya namin ni Ian dito parang his trying to move-on sa broken heart. Boss ko siya, ako parang may long time crush sa kanya ganu’n lang ‘yun. Never kong ini-expect na mag-level up or anything,” turan ng actress.

Aminado si Jodi na mas guwapo ngayon si Ian lalo na sa billboard nito sa Edsa. “Sinabi ko sa kanya nu’ng nag-mall show kami 2 weeks ago, ‘yung kanyang kagandahang lalaki, kasi guwapo naman talaga si Ian,” papuring sabi ni Jodi.

Comment ni Ian. “Hayaan na niya ‘yung matanda. Alaskado ako sa mga anak ko kapag nakikita nila ‘yung billboard. Sabi ng anak ko, ‘daddy sobra ka naman magpa-cute d’yan.’ Sabi ko, hayaan ninyo na, ganu’n talaga kapag tumatanda, kailangan mong mag-exert ng effort para magpa-cute. Ang panganay ko 17, second 15 and 9 years old.”

Siyempre naging topic din ang Kapaskuhan. Hindi naman lahat ng tao masaya sa Paskong darating. Payo ni Jodi sa mga taong malungkot.  “I think , there is nothing wrong sa pagiging malungkot because all emotions are valid. It’s something we have to acknowledge. But I would also want to encourage everyone, even our sorrow and our pain are transitory they’re not permanent. It’s something na lilipas din, we should be able to help our selves also to move on, on that. Kailangang tulungan natin ang mga sarili natin, every pain and sorrow na napi-feel, mayroon silang purpose. I believe that we should always surround ourselves with people that will uplift our spirit. Always pray to the Lord…”

Sobrang happy ngayon si Pokwang dahil makakapiling niya this Christmas ang boyfriend niyang foriegner. “Masaya naman ‘yung mga nakaraan kong Pasko, pero mas masaya ngayon,” sambit niya. Kakaiba raw ang Pasko niya this year. Mas maraming blessings ang dumating sa kanya. Wala na raw siyang mahihiling pa.

Diretsong tinanong si Pokwang ni Manay Ethel Ramos kung sino na ngayon ang bagong comedy queen? Mabilis na sinagot ng comedienne, “No. Alam naman natin kung kanino ‘yan. Ang pangit naman kung sa akin manggagaling. Hayaan nating ang tao ang magsabi. Okay lang na bless ako araw-araw. Masaya ako sa pamilya ko na nagmamahal sa akin. Hindi ako napababayaan ng network, bongga na po ako du’n.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING