Jodi Sta. Maria, may pahabol tungkol sa pagdo-droga niya noon

ADVERTISING

 alt=

Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria

Lumipad si Jodi Sta. Maria patungong New York last Thursday, November 17, para dumalo sa 2016 International Emmy Awards, kung saan nominado siya sa pagka-Best Actress sa role niyang Amor Powers sa remake ng “Pangako Sa ‘Yo”.

Pero bago umalis ang Kapamilya actress, may ginawa siyang paglilinaw kaugnay ng isyu ng pagdo-droga.

Sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Jodi na prescription drugs at hidni illegal drugs ang ginamit niya noong panahong depressd siya bunga ng paghihiwalay nila ng mister na si Pampi Lacson.

“Next time, I have to be specific,” saad niya ni Jodi patungkol sa nasabi niya sa interview sa kanya sa isang event sa Cebu last October. “Kasi people were thinking it was shabu, cocaine. I just said that I turned to drugs, but it was anti-anxiety drugs that I turned to during those moments.”

ADVERTISING

Sa paghahayag ng kanyang karanasan noon, inspirasyon umano ang nais na ibahagi ni Jodi sa mga taong nakararanas ng katulad ng sa kanya.

“Iyong story na pinagdaanan ko sa buhay ko, I’m praying that it brings strength and inspiration and hope to people na dumaraan doon sa pinagdaanan ko. And it’s really with God’s grace na nandidito ako ngayon kung nasaan ako sa buhay ko,” pahayag ni Jodi.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING