Jodi Sta. Maria, mas takot sa gagamba kaysa sa multo

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, mas takot sa gagamba kaysa sa multo

Jodi-Sta-MariaANO ANG mga fears mo? Si Jodi Sta. Maria, hindi takot sa mga multo or something na kababalaghan. Kaya nga kung ang iba, takot na takot sa napanonood nila sa trailer ng Star Cinema movie na Maria Leonora Teresa, ang aktres ay hindi.

Pero aminado si Jodi na kaysa sa multo or something supernatural tulad ng aswang, kapre or maligno, mas takot siya sa maliit na gagamba. Yes, may phobia siya sa mga spiders which is true dahil ako, takot sa ahas at daga.

Ang tawag sa mga taong takot sa mga gagamba ay may arachnophobia na kapag nakakikita siya ng gagamba, kahit gagambang bahay, bukod sa diring-diri siya, pumapasok ang nginig sa kanyang kalamnan na hindi niya mawari ang pakiramdam.

Sa kauna-unahang horror-drama film ni Direk Wenn Deramas, anak ni Jodi si Teresa na ewan at kung anong twist sa kuwento ng pelikula na nakatatakot ang isang manika.

ADVERTISING

Si Iza Calzado, anak niya si Maria at si Zanjoe naman who plays a gay teacher ay “anak” naman niya si Leonora.

On the personal side, tila may katotohanan yata na mukhang split na sina Jodi at ang boyfriend niyang si Jolo Revilla.

Sa presscon ng Maria Leonora Teresa na palabas na sa Wednesday, iwas-sagot ang aktres sa katanungan kung oks pa sila ng kasintahan na si Jolo Revilla na kay dali namang sagutin ng “Yes, kami pa rin and happy kami sa isa’t-isa.” Tama?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING