Jodi Sta. Maria, lalayasan na ang showbiz

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, lalayasan na ang showbiz

Jodi-Sta-MariaDESIDIDO NA raw si Jodi Sta Maria na ipagpatuloy na lang ang pag-aaral para maging doctor in the future at magsilbing inspirasyon sa kanyang anak.

ADVERTISING

“Gusto kong maging magandang halimbawa sa anak ko. Kasi ayokong dumating ‘yong panahon na kapag pinilit ko siyang mag-aral, ibabalik niya sa akin na, “Ikaw nga, ‘di ka nakatapos,” paliwanag ni Jodi.

Ayon kay Jodi sa isang interview niya sa TV, tumigil siya ng pag-aaral bago tumutong ng fourth year high school. Nakapagtapos siya ng secondary sa edad na 28 years old na at saka nagpatuloy sa kursong medical biology sa De La Salle-Dasmariñas.

“Gusto ko pong maging doctor. Nakapasok po ako roon sa school nila pero hindi ko po talaga natatapos ‘yung kurso. Noong time na nag-aaral ako ay nagte-taping din ako. Hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko. Pero babalikan ko siya,” say ni Jodi.

ADVERTISING

Kung matutuloy sa balak na mag-aral muli si Jodi ay posibleng tumigil na rin siya sa showbiz para bigyan ng attention ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Samantalang pinabulaanan ni Jodi na isa sa mga bida ng Maria, Leonora,Theresa na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema na nagkakalabuan na sila ni Jolo Revilla. Matatag pa rin daw ang kanilang relasyon.

“Doon sa ilang taon na pinagsamahan namin, nagkaroon man kami ng problema ay parte talaga ‘yon ng pagkatuto namin. Natuto kami sa mga pagkakamali namin,” say pa ni Jodi.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING