Jodi Sta. Maria, kinumpirmang hiwalay na sila ni Jolo Revilla

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, kinumpirmang hiwalay na sila ni Jolo Revilla

Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria

Matagal na ring zero ang lovelife ni Jodi Sta. Maria mula nang ma-break sila ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na nagsimula ang kanilang romansa last 2012.

ADVERTISING

Sa official statement ng aktres sa Tonight with Boy Abunda last Tuesday evening, kinumpirma ng aktres na totoo ang kumakalat na wala na sila ni Jolo Revilla.

“We are no longer together, but we are friends,” sabi ng aktres sa naturang panayam.

Kung matatandaan pa, naging magkarelasyon ang dalawa after ng relasyon ni Jodi Sta. Maria kay Pampi na anak ni Sen. Panfilo Lacson, kung saan nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Thirdy.

ADVERTISING

Noong sila pa ni Pampi, tahimik lang ang relasyon nila na hindi masyadong napapagtuunan ng pansin lalo pa’t wala namang kaguluhan at iskandalo na kinasasangkutan ang dalawa para maging pokus ng atensyon ng media, except sa isang matinding isyu sa dalawa tungkol sa pag-aagawan nila sa kanilang anak. Matinding isyu ito noon, kung saan sa pagputok ng kuwento, si Jolo ay nasa tabi na ni Jodi.

Sa panahon na karelasyon naman ni Jodi si Jolo, kung saan may kaganapan na “nabaril” ni Jolo ang sarili, nabuo ang kung anu-anong espekulasyon.

Sa ngayon, kampante si Jodi sa sarili. Naka-pokus ang atensyon niya sa trabaho na sa sobrang sipag ng aktres sa promo ng kanyang pelikulang “Achy Break Heart” mula sa direksyon ng hugot director na si Antoinette Jadaone na showing na sa June 29 (sa darating na Wednesday), happy ang aktres na mapagbigyan ang kanilang mga tagahanga.

Si Ser Chief (Richard Yap), malakas din ang following nila ni Jodi mula nang maging hit ang “Be Careful with My Heart”, while si Ian Veneracion  naman, naging kilig ang pagpapamahalan nila sa primetime teleserye na “Pangako Sa ‘Yo”, kung saan naging bida sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa pelikula, as expected, sina Richard (playing the role of Frank) and Ian (as Ryan) parehong gusto at mahal si Jodi (playing the roel of Chinggay).

I’m sure, ang mga fans ng dalawang love team, magpapasiklab sa Wednesday para patunayan na mas malakas ang love team na kanilang sinusuportahan.

Kasama sa bagong rom-com ng Star Cinema bukod kina Jodi, Richard, at Ian, sina Sarah Labhati at Beauty Gonzales.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING