Jodi Sta. Maria, kinaiinipan na ng publiko ang transformation sa serye

Jodi Sta. Maria, kinaiinipan na ng publiko ang transformation sa serye

Jodi-Sta-MariaNAIINIP NA ang viewing public sa paglabas ni Jodi Sta. Maria as Amor Powers sa seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. In the past 2 weeks, naka-sentro sa dalawang bida ang mga eksena nila na pampakilig sa mga fans. Nakapapagod tuwing pinanonood namin si Angelica Panganiban sa kanyang mga scenes na palaging galit. Tuloy, kung minsan nagiging overacting na siya.

Oo nga’t mahirap i-portray ‘yung character ni Angelica as Madam Claudia na unang ginampanan ni Ms. Jean Garcia. Kailangang magaling kang actress to give justice to the role. Hindi maiiwasang i-compare ang acting power nina Angelica at Jean kung sino sa kanila ang mas magaling.

Excited na kaming makita ang mga dramatic scene nina Jodi at Angelica. Challenge ito para kay Angel dahil malaki ang respeto niya kay Jean as an actress. Nakape-pressure nga raw dahil kailangang mapantayan niya o mahigitan ang ipinakitang galing ni Jean sa original version ng Pangako Sa ‘Yo. Sa mga mature audience na sumusubaybay ng serye, silang dalawa talaga ang inaabangan. Well, nalalapit nang ipakita ang transformation ni Jodi as Amor Powers sa nasabing serye. Ito ang aming tututukan, aktingan na to the highest level ang salpukan sa eksena nina Jodi at Angelica.

Maging sina Daniel at Kathryn, pinanonood ang actual scenes nina Jodi at Angelica, pati na rin ang buong production staff. Inspired nga si Direk Cathy Garcia-Molina tuwing kinukunan niya ng eksena ang dalawa.

“Their both professional at ang gagaling nila. Wala akong itulak kabigin sa husay umarte nina Angelica at Jodi. Ibinibigay nila ‘yung gusto kong mangyari sa eksena. Maraming highlight sila pareho, kaya aabangan ninyo ang bawat eposide – Monday to Friday,” say ng blockbuster director.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield