Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, nagkakalabuan?

ADVERTISING

Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, nagkakalabuan?

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaNAKAKALUNGKOT NAMAN kung totoo ang balitang nagkakalabuan ngayon sina Jodi Sta. Maria at ang boyfriend niyang si Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw pag-usapan ni Jodi ang status ng relasyon nila ni Jolo. Halatang umiiwas din siyang sagutin ang tanong kung kailan nila balak magpakasal.

Matagal nang annulled ang kasal ni Jodi sa ex-husband na si Pampi Lacson kaya malaya na ulit siyang mag-asawa. Kaya lang, kung “on the rocks” nga ang relasyon nila ni Jolo, paano nga naman ito mangyayari?

Meanwhile, ipinagpapasalamat naman ni Jodi na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang suporta ng televiewers sa kanilang kilig-serye ni Richard Yap na Be Careful With My Heart.

ADVERTISING

“Lampas two years na kami at hanggang ngayon, overwhelming ‘yung suporta nila sa amin kaya sobrang thankful ako,” sey pa niya.

Hindi rin daw niya ini-expect ang pagbuhos ng maraming blessings sa kanya dahil sa Be Careful With My Heart.

“Kontento na naman ako sa buhay ko noon at sa career ko. Hindi ko rin talaga akalain na magkakaganito ang lahat. Salamat kay Lord,” dagdag pa niya.

Balik-pelikula na rin si Jodi dahil isa siya sa mga bida sa Maria Leonora Teresa ng Star Cinema kasama sina Zanjoe Marudo at Iza Calzado.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING