Jodi Sta. Maria, huling teleserye na ang ‘The Broken Marriage Vow’?

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng Philippine adaptation ng Doctor Foster na mag local title na ‘The Broken Marriage Vow‘. Ito ay pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at ng nag-iisang Jodi Sta. Maria.

Jodi Sta. Maria, huling teleserye na ang 'The Broken Marriage Vow'?
Jodi Sta. Maria in The Broken Marriage Voew

Just like her past teleserye roles, nagmarka sa mga televiewers ang pagganap ni Jodi bilang Dr. Jill na hindi biro ang pinagdaanan dahil sa pagloloko ng kanyang asawa. Tinutukan ng mga tao ang Pinoy version ng mga iconic scenes ng serye. Alam naman ng lahat na minahal ng K-drama fans ang South Korean adaptation na ‘The World of the Married’ noong nakaraang taon at hindi naman maikakaila na lumaban at hindi nagpatalo ang Pinoy version, huh!

With all the intense dramatic scenes of the cast especially of Jodi as Dr. Jill, ano na ang next step for the beloved actress?

Naging honest si Jodi sa ginanap na press conference para sa pagtatapos ng TBMV.

“This role has really pushed me to the edge.. kumbaga, pushed me to my limit parang heto na ‘to, hanggang dito na ‘to. I clearly remembered, after we all watched the trailer, may papiging doon sa gilid. We were all happy na finally nakita na namin ‘yung glimpse ng ginawa namin but parang I just told (Zanjoe) and Direk Andoy (Ranay), sabi ko, ito na ‘yung huling project ko. Sabi ko, after ‘TBMV,’ ayoko na,” pag-amin ni Jodi.

Patuloy niya, “Hindi ko alam kung unang-una, meron pa ba akong mabibigay sa susunod na project na feeling ko na lahat na ibinigay ko na dito. Hindi talaga naging madali feeling ko heto na ‘yun, wala na akong ibang magagawa after this.”

“Sabi ko nga kapag kumukuha ako ng bond paper nagta-try ako ng isang bagong character, wala talaga, parang feeling ko lahat ng creative juices ko na-cut off. Ang naisip ko, kung artista ka at ganito ka kaubos ano pang pwede mong gawin?”

Pagkatapos ng lock-in taping cycles para sa TBMV ay napagtanto ni Jodi na kailangan lang niya ng break o bakasyon.

Jodi Sta. Maria, huling teleserye na ang 'The Broken Marriage Vow'?
The Broken Marriage Vow cast members Sue Ramirez, Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria and Zaijian Jaranilla

“Pagkalabas ko ng lock-in (taping), I realized that I was so tired. I was physically, emotionally, and mentally exhausted from playing the role of Dra. Jill kasi feeling to talaga wala na eh. Nasagad talaga,” sambit nito.

“All I really needed lang pala was a break, to recharge, to relax, to just kalma. ‘Yan ang aabangan nilang exciting part. Wala pa talagang concrete na plano kung ano’ng mangyayari sa ’kin after ‘The Broken Marriage Vow.’ ‘Yun lang muna ang masasabi ko.”

Siguradong lalo tayong manggigigil sa last two weeks ng ‘The Broken Marriage Vow’!

Previous articleKPop Album Review: Minisode 2: Thursday’s Child by Tomorrow X Together (TXT)
Next articleSue Ramirez, inalala ang araw na unang nag-fangirl siya kay Jodi Sta. Maria