Jodi Sta. Maria, ‘di mahilig magpapansin para mapag-usapan

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, ‘di mahilig magpapansin para mapag-usapan

Jodi-Sta-MariaCONSISTENT SI Jodi Santa Maria sa maganda niyang ugali na kahit kailan sa panahon ng kanyang pagpasok sa showbiz hanggang sa magmarka na ang kanyang pangalan, hindi siya ‘yung tipo ng artista ng Kapamilya Network na mahilig sa kompetisyon o magpapansin para lang mapag-usapan. Nagkakaroon din ng mga intriga tungkol sa kanya, pero hindi niya iyon hinahayaang magtagal, dahil hindi nga niya gusto na iniinterbyu siya lagi tungkol sa mga intriga.

Hindi naman nagdamot si Jodi tungkol sa kanyang lovelife, dahil umaamin naman siya nu’ng dalaga pa siya kapag mayroon siyang mga manliligaw o karelasyon. Nu’ng magkahiwalay rin sila ng kanyang dating husband na si Pampi Lacson, hindi niya iyon ginamit na dahilan para lagi siyang pag-usapan sa showbiz. Inilalayo talaga niya ang kanyang sarili sa kontrobersiya, dahil para sa kanya, nasa showbiz siya para magtrabaho bilang artista.

Tutok si Jodi sa kanyang trabaho, kaya bilib sa kanya ang ABS-CBN. Kita n’yo naman habang pino-provoke siya noon ni Iwa Moto tungkol sa mga lalaking napaugnay sa kanilang dalawa. Hindi nagsasalita si Jodi, bagkus ay ratsada siya sa taping ng kanyang nagtagal na teleseryeng Be Careful With My Heart at ngayon ay bida pa sa pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema. Tahimik na artista si Jodi. Si Iwa ba, may mga nagtagal na teleserye at nakakapagbida na sa pelikula?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING