Jodi Sta Maria, dahilan ng hiwalayan nina Iwa Moto at non-showbiz BF!

ADVERTISING

Jodi Sta Maria, dahilan ng hiwalayan nina Iwa Moto at non-showbiz BF!

Jodi Sta Maria, dahilan ng hiwalayan nina Iwa Moto at non-showbiz BF!

WALANG KAGATUL-GATOL na inihayag ni Iwa Moto kung sino nag naging 3rd party at naging dahilan ng break-up nila ng dating kasintahang si Mickey Ablan, at ito ay ang magaling na aktres na si Jodi Sta. Maria.

Tsika nga ni Iwa kay ‘Nay Cristy Fermin sa Paparazzi  ng TV5 sa kung si Jodi ba ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Mickey, “Opo, ‘Nay Cristy,” ang sagot ni Iwa. “Alam ko sa pagsasalita kong ito ay mai-interview rin siya sa kabilang channel, pero handa na ako sa labang ito.”

Tumahimik lang daw si Iwa noon dahil idolo raw nito ang aktres. Pero if ever nga raw na magsasalita against sa kanya si Jodi, may pinanghahawakan siyang ebidensiya na magpapatunay na nagkarelasyon si Jodi at Mickey.

ADVERTISING

Marami nga ang nagsasabing amanos na sina Iwa at Jodi, dahil kung totoo ngang inagaw ni Jodi si Mickey ka`y Iwa, ngayon naman daw ay ang ex-husband naman ni Jodi na si Pampi Lacson ang bagong lalaki sa buhay ng flawless at magandang aktres na si Iwa. ‘Yun na!

 

ANG ONE-TIME grand audition ng inaabangan at may pinakamalaking papremyo sa lahat ng artista search ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on June 19. Sinabi ni Wilma Galvante na nasa GMA-7 pa lang siya, pangarap na niyang magtayo ng artista academy.
Ayon nga kay Ma’am Wilma, “Artista Academy is sincere, extreme, and hardworking artista search.”

At dahil nga extreme, sincere and hardworking artista search ito, tinaasan nila ang premyo para sa dalawang mananalo – P10M each.
“We are all excited with the launch of  Artista Academy because this really tops all artista searches that have been done in the country. We are offering real training in a real academy for our future stars.”
Tsika naman ni Sir Perci Intalan, “And, of course, it will be a real life-changing experience for two winners because we are giving away P20M worth of prizes, including lead roles in a forthcoming teleserye of TV5.”

 

MAGAGANDA ANG 25 kandidata ng Miss World Philippines na iniharap sa press sa isang presscon na ginanap sa Manila Hotel na dinaluhan ng 2012 Miss World 1st Princess at reigning Miss World Philippines na si Gwendoline Ruais. Gaganapin ang coronation night ng Miss World Philippines sa June 24, 8:30 p.m., sa Manila Hotel, sa TV5 and hosted by Ruffa Gutierrez and Edu Manzano.
Tsika nga ni Ms. Cory Quirino, “We are very excited about this year’s staging of Miss World Philippines. With the help of TV5, we were able to travel all over the country in search of ladies who can best represent the country and the Miss World’s cause. This gives us a better chance in winning the Miss World crown this year.”

 

HINDI RAW issue ang malinya as kontrabida role ang dauther nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Wyn Wyn Marquez , dahil ayaw raw nitong mag-demand at ayaw ipilit ang sarili.

At kung ano mang trabaho raw ang ibigay ng GMA-7 ay maluwag sa puso niyang tinatanggap, dahil mas maganda raw ang may trabaho kaysa naman nakatengga at walang trabaho.
Kaya naman sa bagong handog ng GMA-7, ang One True Love, na pinagbibidahan nina Louise Delos Reyes at Alden Richards at mula sa mahusay na direction ni Andoy Ranay, another kontrabida role ang naiatang kay Wyn Wyn.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING