Jodi Sta. Maria, ayaw tapatan ang Eat Bulaga

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria, ayaw tapatan ang Eat Bulaga

Jodi Sta. Maria, ayaw tapatan ang Eat BulagaSA NAKARAANG Thanksgiving cum presscon ng Be Careful With My Heart, nagsalita na rin si Jodi Sta. Maria sa nabalitang balak na pagre-resign ni Aiza Seguerra. Ayon sa lumabas na balita, ang pinag-ugatan ng lahat ay dahil nakakatapat ng serye ang EB sa ere, at ito ang nag-udyok na mag-resign ang singer/actress dahil may malaki itong utang na loob sa noontime show kung saan siya nagsimula at sumikat bilang isang child star.

Ayon kay Jodi, mismong si Aiza na ang nagkumpirma sa tweet nito na hindi ito magre-resign sa serye. Naintindihan ni Jodi ang nararamdaman ni Aiza dahil alam niya na may mataas itong respeto sa Eat Bulaga dahil naging tahanan ito ng singer sa loob ng matagal na panahon.

Sa tanong kung alam ba nila na may balak daw na itapat na talaga ang Be Careful… sa Eat Bulaga, hindi raw niya alam ang tanging naisagot sa amin ng aktres. Para kay Jodi, mataas at malaki ang respeto nila sa Eat Bulaga dahil institusyon na ito at napatunayan na nito na may mga show nang dumating at nawala pero hindi natinag ang EB kahit kailan. Ang hiling ni Jodi sana ay huwag silang pagsabungin ng EB dahil alam nila kung saan din sila nakalugar.

Sa kumalat na mga larawan nila ni Jolo Revilla na kasama ni Jodi na nagselebra ng Valentine’s Day, para kay Jodi ay wala namang masama kung mag-dinner sila at may mga kasama silang mga kaibigan, pero nabura ang mga ito sa lumabas na mga pictures kaya nagmukhang silang dalawa lang. Sa sinabi namin na boto sa kanya ang mga magulang ni Jolo na sila Sen. Bong Revilla at Von. Lani Mercado, labis na nagpapasalamat dito si Jodi.

ADVERTISING

Labis-labis ang pasasalamat ni Jodi sa consistent high ratings ng Be Careful  With My Heart kung saan mas mataas pa nga ito sa ibang primetime serye. Natupad ang pangarap ng aktres na magbigay ng positibong pananaw sa mga manonood.

Dahil pinapanood din ito ng mga kababayan natin sa ibang bansa, magkakaroon ang buong cast ng Be Careful With My Heart sa mga out of the country show. Sa darating na Marso ay nasa Middle East ang buong casts, nasa US at Canada sa Mayo, sa Europe sa August, at sa Japan naman sa Nobyembre.Jodi Sta. Maria, ayaw tapatan ang Eat Bulaga

 

TATLONG LINGGO na ang tinatakbo sa takilya ng pelikulang A Moment in Time, unang pagtatambal nina Coco Martin at Julia Montes sa isang pelikula pagkatapos ng mainit na pagtanggap ng nasabing tambalan sa seryeng Walang Hanggan. Bukod sa patuloy na pinipilahan ay napagkalooban din ng Graded B. Liban sa regular showing nito sa bansa, may pay-per-view na rin ang nasabing pelikula sa The Filipino Channel o TFC. Mapapanood ito sa lahat ng mga bansa sa Middle East maliban sa Qatar, United Arab Emorates at Bahrain mula Febraury 28 hanggang March 3; March 7 hanggang March 10 sa ganap na 12 noon, 3, 6, at 9 ng gabi.

Mapapanood din ang nasabing pelikula sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Micronesia Mall sa Guam, Hawaii, Las Vegas, San Diego, Seattle, Houston, Maryland at sa iba’t ibang parte ng Canada gaya ng British Columbia, Alberta at Ontario.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING