Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ipinalit kina Kris Aquino at Herbert Bautista sa MMFF movie

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ipinalit kina Kris Aquino at Herbert Bautista sa MMFF movie

Richard-Yap-Jodi-Sta-MariaAYON SA isang reliable source, dahil sa pagba-back-out ni Kris Aquino sa entry movie sana nila ni Herbert Bautista sa MMFF, nagdesisyon ang producer na ipalit sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap para matuloy ang movie at maiwasan ang penalty na babayaran ng production outfit.

ADVERTISING

Hindi lang matiyak ng source kung kasama pa rin sa movie sina Xian Lim at Kim Chiu, pero baka raw ma-retain ang dalawa kung walang magiging problema.

Samantalang muling umiral ang pagiging matalas ang mata ni Kristeta nang puntahan niya ang bahay ni Jennylyn Mercado para sa kanyang Kris TV show sa ABS-CBN. Nabisita na rin ni Jessica Soho ang bagong bahay ni Jennylyn, pero hindi nito nakita ang isang trophy ni Luis Manzano na naka-display sa bahay ng actress.

Sa pagbisita ni Kris sa bahay ni Jennylyn, nabisto nito ang isang male trophy sa bahay at kaagad namang inamin ni Jennylyn na pagmamay-ari ‘yun ni Luis. Nanalo raw kasi ni Luis ng Best Male Emcee at that time na magdyowa pa sila. Hindi nakarating si Luis sa naturang awards night kaya sa kaniya na lang ipinadala ang trophy na idinisplay naman ng mother ni Jen sa kanilang tahanan.

ADVERTISING

Dahil break na sina Jen at Luis ay nagmagandang-loob si Kris na siya na lang ang magdadala at magbibigay kay Luis ng naka-display na trophy nito sa tahanan ng actress.

‘Di ba, walang nakalulusot na importante at mahalagang bagay kay Kris dahil sa matalas nitong mata at pag-iisip? Take note, sa show lang ni Kris unang nakita ang bagong bahay ni Jennylyn at naging trending nga sa Twitter ang pag-guest ni Jennylyn. Pero bawal na si Jen lumabas pa sa ibang TV show ng ABS-CBN.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING